Archive for September, 2008

G-Ful

WARNING: Mushy post to, pasintabi sa mga kumakain…

Simpleng text ng aking ama ng malaman nya na nawala ang ATM card ko at may malaking possiblity na may nakawithdraw na ng pera ko.

Tatay ko: Katulad ng nasabi ko na kagabi..Huwag mo ng isipin yong perang nawala..Baka mas may nangangailangan noon ng higit pa,ingat ka lang jan..Magdasal ka palagi.

Sweet ng tatay ko noh? Very understanding pa.

May nabasa akong quote, sabi,

“When you are grateful, fear disappears and abundance appears. – Anthony Robbins”

Pareng Anthony, isang high five naman jan!

Totoo naman kasi ito, mas madalas kesa hindi, ang hirap makuntento ng tao. Daming hinahanap. Tapos kung minsan we take things for granted. Kasi lagi nating iniisip na nanjan lang sila, hindi mawawala. Yung mga bagay na akala natin e simple lang, hindi gaanong kahalaga sa buhay natin, malaki pala yung magiging impact kapag yun na yung nawala.

Last week, mejo dami rin kabog moments. Gusto ko sanang bilangin kung ilan dun yung naging lafftrip, yung kawindang at yung akala mo e, yung mga trials ni tadhana e lumalaban ang levelling. Mga ganun.

I am not claiming to be a saint and I am not really hoping to be one, pero most of the time I try to remain steadfast (naks sa word!) in overcoming those challenges that life throws on me.

Pero siempre, tao lang ako, (mukha lang Dyosa) kaya nasasaktan, napapagod, at kung minsan nawawalan ng confidence sa sarili.

Nagdududa sa kakayahan na malagpasan ang lahat ng problema.

Mga ganung factorial.

Pero isa sa mga natutunan ko sa mga past experiences (oo, plural) ko e dapat maging grateful. To always, always see things in a positive light. Hindi ko talaga ugaling maging nega at maging emo. (although nangyayari din naman sa akin to) Pero kapag may mga pangyayari na hindi masyadong masaya yung end result, dinadaan ko na lang sa bonggang presentation at packaging.

Kumbaga, isipin mo na lang na hindi ka bibigyan ni Papa God nang ganun kabigat na challenge kung alam Nyang hindi mo yun kaya. O di ba, formidable ang dating mo. Nasa top list ka ni PG sa mga strongest individual graze on earth.

Sabi nila, there is no such thing as problems. Problems are oppurtunities disguising itself as challenge. So nasa tamang outlook lang yan.

So bakit ako grateful?

Kasi totoo yung kasabihan na kung may mawala man sayo ngayon, may kapalit yun na mas nakakahigit pa sa nawala sayo.

And with that, kung ano man ang nawala sayo ngayon, dapat hindi mo na hinahabol. Hindi mo na pinipilit ibalik.

Hayaan mo na.

Hindi naman siguro talaga para sa yo yun.

And kapag dumating na yung para sayo, maiisip mo na rin kung bakit yung dating sayo e wala na, kasi yung ngayon e mas bongga, mas okey at mas fit para sayo.

EDIT: Gusto lamang i-share ng may-akda ang information na may nakuha siyang pera ngayon. Hindi naman nya pala kelangan maging Purita Mirasol at Luz Valdez.

An Open Letter to a Boss

DISCLAIMER: Hindi akin to. Pinopost ko lang kasi natutuwa ako. Galing ito sa uber galing na kapatid ko. Buti na lang kahit strikto ang boss ko, e hindi siya kupal katulad ng pasaway na boss ng kapatid ko.
Iniwasan pong banggitin ang pangalan ng boss upang hindi mapag-initan ang taong sumulat nito.
Yun na.

Dear Boss,

Tinatamad po akong gawin yung report na sabi nyo na dapat kong i-submit nung Friday pa. Bukas na lang po since bukas pa naman kayo papasok.

Gusto ko lang din ipaalam sa inyo na di ako ang nagdesign ng ID. Ibig sabihin di rin ako ang gumawa nun. Kaya wag nyo po ipa-edit sa akin yung mga yun. Hinayaan nyo kasing magresigned yung isa e di pa pala nya natatapos lahat ng dapat nyang gawin.

Nahihirapan po akong gamitin yung company cellphone natin. Sun kasi. Alam nyo naman na makulimlim these days, lagi tuloy walang signal. Sinabi ko rin po sa inyo noon na ang pinakaayaw kong gawain e magtawag ng aplikante. Lalo kung mag-aacrobatic pa ako para lang magkarinigan kami.

Wag nyo na po akong punahin kapag nakikita nyo akong nagwa-ym. Nakikita ko rin na ginagawa nyo yun. Mas marami pa nga kayong window na nakabukas.

HR po ako dito hindi IT. I know I told you before na mahilig ako sa computer at mabilis ang pick up ko. Pero sana kapag tinuturo ko sa nyo kung paano magshare ng printer, paano ayusin yung avatar nyo sa ym at pag sinabi ko na wag nyong baguhin yung IP address e nakikinig kayo.

Pumapasok ako ng naka-Ipanema at binabaon ko ang sandals/shoes ko dahil mahirap na nakahigh heels lalo kung nag-eMRT ka tapos lalakarin mo ang kahabaan ng Shaw Blvd. Wag kayong mag-alala, mas mahal yung tsinelas ko dyan sa pinagmamalaki nyong sapatos sa akin.

Sana wala tayong pakialaman about earrings since madalas naman e naka-studs or pearls akong pumapasok. So wag nyo ng pag-initan ang big earrings ko pag sinusuot ko sya. Di naman kayo pinapakialaman nun. Let me tell you, di ako nabibigatan.

Sobrang aga ko pumapasok dahil gusto ko makauwi ng tama sa oras. Di ako nagbo-volunteer mag-OT dahil wala naman gagawin na di puedeng ipagpaliban para sa kinabukasan. Wala akong nararamdamang guilt na umuuwi kayo ng 11pm. Choice nyo yun. Di kayo tinutukan ng baril para mag-OT.
Wag kayong mainggit kung may social life ako. Bata pa ako. Natural lang yun.

Promise yung report na hinihingi nyo nasa email nyo na first thing in the morning. So relax. Breathe.

Nagmamaganda,

——

Protected: LC = X

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Gangue Thoughts 04

DISCLAIMER: The author is suffering from lack of sleep last night and slight paranoia because the power was off in her house, alone in her room with only the chirps of the unknown could only be heard, hence, the emo mode.

Ui, musta ka na?

Kadalasan, yan ang una nating maririnig na tanong sa kakilala or even kahit sa mga tao na hindi naman natin talaga kaclose. Yung iba, hindi naman talaga nila gustong malaman kung ano na ang kalagayan mo ngayon, marami sa kanila, ginagamit lang na opening line ang “musta na” para naman hindi mo masabi na napakaimpolite nila. Kaya madalas sumasagot ka ng simpleng “okay lang, ikaw?”

Dun mo marerealize na ang gusto pala nilang mangyari e sila ang magkaroon ng chance na talakan ka nila ng nangyari sa kanila. Okey lang naman ang ganito, hindi mo naman puedeng sabihin na self-centered sila e. Mas madalas kasi, yung kuwento nila ang mas interesting kesa sa buhay mo.

Minsan naman, kapag tinanong ka ng ganitong tanong, parang testing line nila ito sayo. Kung isasagot mo e “okay”, dun na sila magsusunod ng follow-up question. (Malamang mangungutang to!) O kaya naman, may sasabihin sila sayo na importante. Kadalasan, sa mga ganitong scenario, bad news, ang mga nagaganap. Parang nadedetect mo sa tono nila.

Meron naman yung talagang sincere na tanong na Kumusta ka na? Nandun yung sign of concern. Na parang yung taong nagtanong e kayang magsayang ng oras nya marinig lang nya ang sagot mo. Maaring yung nagtanong e isang kaibigan, isang minamahal o basta taong malapit sayo.

Bakit ko sinasabi ito?

Wala lang.

Gusto ko kasing sagutin ang tanong kung kumusta na ako.

Para sa mga taong naghihintay lamang ng kanilang turn para sila ang dumaldal, ang generic na sagot na “Okay lang,” e para sa inyo. Sige na, simulan na ang talakathon.

Para sa mga taong tinitesting kung nasa mood ako, eto ang sagot ko sa inyo, “Eto buhay pa, hay…” (Para hindi kayo makautang at marealize na this is not the right time to say anything bad kasi kunwari depress mode ako at the last thing you want is lalo akong maging emo.)

At para sa mga taong talagang concern sa akin, eto ang sagot ko…

“Hmmm.. Kumusta naman ang isang tulad ko?

Malapit na akong maging okay. Hindi man ganun kaperfect ngayon, but I have no complaints. Mas gusto ko na naging ganito ako. I am trying to see things in a different perspective. Pinipilit ko na lang tanggapin ang lahat. Pinagpapasalamat ko na kahit nangyari sa akin ang mga bagay na yun, hindi ako naging bitter. Na nakakatawa pa ako. Na I can still find some happiness even in small doses and I am grateful for it. Na I still believe na may reasons si God bakit nangyari sa akin yun and kahit hindi ko na malaman kung ano man yung dahilan, sapat na maisip ko na kahit kailan hindi ako papabayaan ni God. Mahal nya ako. So hindi ko dapat maramdaman ang pag-iisa, kalungkutan or feeling na loser ako.

Chicken Dog

Napanood nyo na ba yung bagong commercial ng KFC? Yung tungkol sa isang grupo ng mga guys sa isang office tapos sabi nung isa e may pinagdududahan siya sa kanila na may berdeng dugo? Tapos pagkahain nya nung KFC Shrimp Surfer, e may tumiling guy?

DISCLAIMER: Hindi po ito review nung commercial na yun. At wala akong balak magbigay ng reaksyon or opinyon about dun. Ni hindi ko pa nga natitikman yung product na ineendorse e.

Enewei, highways, kaya ko lang pinasakalye yang commercial na yan e kasi may gusto lang ako i-relate na story kaninang umaga.

Naglalakad ako papuntang messhall ng nakita ko yung apat na aso (3 dun e malalaki na at isang tuta) na sinusundan nila yung sisiw. Parang kung mahilig ka manood sa Animal Planet, simpleng concept lang ng predator stalking the prey. Mejo nakakaawa lang kasi mukhang 1 vs 100, kasi ikaw ba naman ang sisiw tapos sinusundan ka ng apat na aso???! Yung mga words na “gang rape”, “kuyog” at “riot” e pumasok sa utak ko.

Tapos nagulat na lang ako kasi bigla na lang kinagat nung isang aso yung sisiw. Pucha, napatili ako. Take note, tili. Yung matining na tunog na lumalabas sa mga bunganga ng mga babae kung makakita ng something na nakakafreak out sa kanila. As in, with matching hyperventilation pa ako at napahawak ako sa dibdib ko.

Nakita ako ng boss ko, nagsisigaw at nagwawala na. Sabay, tinuturo ko yung karumal-dumal na pangyayari. Pinaalis nya yung mga aso at swerte nung sisiw, hindi naman siya namatay. Dinala ng boss ko yung sisiw dun sa may-ari. Pagkatapos nun at nakita nyang nahimasmasan na ako,

Sabi ng boss ko,

“Ui, Jadeite, malakas ka pala tumili noh, daig mo pa ang mga babae kung magfreak out…”

Sumagot ako

“Sir, babae po ako. Hindi po ako bakla.”

‘Nieta.

Ubong 3K

One of my co-slaves who is under the Productivity and Loss Control Division, here in this company had sent a group IM saying we should join the Cost Saving Suggestion Contest.

Here’s the gist of his message…

Mag submit na po kayo ng Cost Saving suggestion ninyo.. at baka kayo ang mapili ng manalo ng limpak limpak na papremyo.. First prize 3k, second prize 2k, third prize 1k.. yung mga nanalo last time pwede ulit sumali ulit..

And here I am asking myself if I am really that desperate for a mere three thousand pesos.

The answer…

Not really.

I rather have that Ubong 3k than subject myself in that pathetic attempt to reduce some company’s expense when I know for a fact that no one really follows those “Cost Saving Suggestions”.

But just for the heck of it, I will enlist some of those ideas that I have. (I just actually googled it…)

Cost Saving Tips in the Workplace

Since I am most of the time, glued in my seat and guard my desk as my fortress, what a better way to start change within thyself? [insert rolling eyes here]

1. Logging off the computer and laptops at the end of the day. (As well as turning off those office equipment such as network printers, aircon, copiers and scanners among the like)

Did you know how much electricity does one computer consumed?

Desktop Computer – 60 – 250 watts
Computers with on-screen saver (idle pc) – 60 – 250 watts
On sleep/hibernate/standby – 1-6 watts
Laptops – 15 – 45 watts

Whacked it up:

Why do they just crucify the person who is accountable for his/her own pc? That way, no one would really forget to turn it off right?

2. Turn scrap paper into notepads. Use both sides of paper when photocopying or producing reports

IMHO – We are already doing this. But I have to say that most of the time, when I photocopy papers and use both side, I ended up ruining the first face that I already used. With that, I have to get another paper and do it all over again. It really doesn’t work if the person who uses the photocopier doesn’t really know how to operate the machine in the first place.

Scratch papers as notepads are good. I am using this. I even uses those 1/4 size of bond paper as sort of mat to my coffee mug, since I hate those cup circles in my table. See, cost saving. I avoided washing saucer and I used the scratch paper.

Whacked it up:

People who wouldn’t used scratch paper for their draft reports and instead used new bond papers would then be punished by asking them to eat those paper. Or better yet, all those scratch papers would be dump on their desk and just so that person could work on his/her table, he/she has to pushed through that pile. Talk about taking the phrase “paper pushing” into literal.

3. Using notice boards rather than circulating non-urgent memo’s.

Yeah, I so agree with this. Then we could be all informal and put all those hearts and XOXO in those boards. We could used the notice boards to announced someone’s birthday so he/she could could not escape the “manlibre”.

Whacked it up:

People here in my company don’t believe in non-urgent memo’s. Really. They all think that their works are all important. But I might convinced them that a glaringly big noticed boards are a sure way of making them HEARD. And they would feel superior and merited with them being so noble about their work.

YM Stat Wars

Opponents: Manbitch who I refused to categorized as gay (the verb, not the noun) aka MBG vs Nephrite (darker side of Jadeite)

First  Round:

MBG: I will be your greatest loss ever! [as a friend] I have them and you have nothing…do you realized that? I believe now that you are NOTHING!
Nephrite: Who says I want to be associated with someone like you? Me nothing? I rather be nothing than just a matter that can be categorized as waste.

Second Round:

MBG: Did you just realized what have you done? You have just unearth the dragon that has the capability of destroying.
Nephrite: Energy is neither cannot be created nor destroyed. Well, so am I.

Third Round:

Nephrite: A sharp tongue does not mean you have a keen mind. You just use ate too many biting words.
MBG: Using your heart doesn’t mean you’re unintelligent/dull/stupid…look at yourself before you look at me..duh!
Nephrite: Who says I am looking at you? I refused to subject my eyes to something so ghastly.

——–
Hay, sabi naman kasi, Sarcasm is just one more service I offer e.

Gangue Thoughts 03 – Market Value as a Job Seeker

I just updated my resume for today. I am just trying to open myself (not literally, mind you) for any possible opputunities that may occur and if I suddenly give in to the urge of quitting my job because I have enough of the crap that my frenemies is giving to me.

Just for the span of 1.5hrs I had sent 6 online application letter to different parts of the world. (Kazakstan, China, Australia and Africa)

I am wondering, when will I received all those rejection reply?

EDIT: After 2minutes, I received the consolatory reply of the Australian Company I had applied for. I have to say goodbye to my dream of seeing a Kangaroo ang saying “Mate!” *wink,wink*

Hmmm….

Just a useless trivia…

Did you know that…

Curriculum vitae is Latin meaning “course of life” and résumé is French meaning “summary”.

I told you it was useless.

Two Counts of Stupidity during Lunchbreak

Hindi ibig sabihin na kapag naglunch break ka, dapat nagbebreak din ang utak mo sa paggana. Sana hindi lang motor skills ang pinapairal di ba? Kasi kapag ginawa mo yun, ang resulta ay lafftrip.

Scenario 1: Nasa messhall, kumukuha ng pagkain, gutom na.

Stickboy who plays rock: Hi Jadeite! Ok lang ba sayo na sa akin muna yung laptop mo?
Ako: Laptop? Yung laptop ko?
Stickboy who plays rock: Yung laptop? Kasi kulang kami sa laptop ngayon e.
Ako: Yung nasira kong laptop naayos na? Sure, sure, pero puede paretrieve naman nung mga files ko dun? Para malipat ko na sa bagong Dell ko.
Stickboy who plays rock: Huh? Hindi naman laptop sinasabi ko. Caplamp Ate. Yung ilaw na ginagamit mo sa underground.
Ako: ……

Scenario 2: Kumakain na, ng mapansin na yung dumating na bisita e isang dating kakilala

Ako: Mario! Kuya Mario! Musta ka na? Kelan ka pa nakabalik ng Pinas?
Kuya Mario: (ngingiti-ngiti lang)
Ako: Nakakamiss ka na ah.
Kuya Mario: (ngingiti-ngiti lang)
Hot Momma: Jadeite, hindi naman Mario ang pangalan nyan. Willy!
Ako: …………..

Lesson Learned: 1. Maglinis ng tenga.
2. Wag magmagaling at feeling close.
3. Kapag lunch break, kumain na lang.

Office Rants 03 – the Attack of the Sloth

Busy ako dapat e.

Hinahanap na ni Boss Mitra ang report na two months na yata nya pinapagawa. As usual, dahil sa synonymous na sa pangalan ko ang pagiging procrastinator, until now hindi ko pa natatapos.

In fairness naman, nasimulan, nakahalitaan ko naman yun.

Kaya lang hindi ko pa natatapos.

Goodluck sa akin.

Lahat na ng klase ng excuses, pagpapacute at mga Delia Rason nagawa ko. Yung iba bumenta, yung iba, sabihin na lang natin na si Boss Mitra e nagsisimula ng magtaka kung galing ba ako sa ibang planeta.

Hay… eto ang mahirap kapag kung kelan kailangan kang maging masipag at masigasig sa work e dun ka pa aatakehin ng katamaran.

Ni ang motivation na “PUWEDE KANG MAWALAN NG TRABAHO SA GINAGAWA MO, ANING!” is not helping me to feel frighten and launch myself into the supergirl work mode.

Walang epek.

Reasons why unmotivated si Jadeite ngayon magtrabaho…

1. Kulang sa matinong tulog – Oo, nakakatulog naman ako gabi-gabi. Pero hindi ko naman masabing mahimbing yun. Paano, konting kaloskos lang, alert mode na ang lolah mo. Nakakapraning ang tunog ng kuliglig at mga langitngit ng mga punong kahoy sa likod bahay namin. Naiisip ko yung posibleng pangyayari na maganap. Hindi naman ako takot sa multo, pero mas takot ako sa natural disaster. Hay, kawindang ever.

2. My inspiration is on vacation – In layman’s term, lost ang beauty ko. Sabi nga sa nabasa ko sa quote, When you’re uninspired, everything is an inconvenience. So ayun, incovenient sa akin ang pagtatrabaho.

3. Frenemies – Oo, marami sila. And at this point in time, mas boarding to “enemies” na ang catergory nila at hindi na “frends”. Hay, I might have to update my friendster account and delete some nuisance candidates ah….

4. Work Load Chaos – Actually I thrived on pressure. And puede ko din naman ipagmalaki na I am quite good in multitasking, pero siguro ang ayaw ko sa lahat ng “hell week” e yung klase ng trabaho na sobrang ang gulo-gulo. I mean, kahit yung pinakabasic na data gathering and consolidation is sabog, naku, mas madalas nakakanega na yan. Kaya feeling ko lalo akong nawawalan ng gana magwork.

5. Sideline – Hay, sakit ko na to. Mas inuuna ko pa ang pagchachat, pagboblog, pagsagot sa mga forum, pagbasa ng ebook, pagdownload ng videos at pagbabasa ng mga YM stat. Pero kahit naman nasa work ako at ginagawa ko ang mga to, again, magaling ako sa multitasking at I don’t really consider this as distractions.

….

Hay, sige na nga. Work mode na muna ako. Wish ko lang, magawa ko na yung mga pinapatapos sa akin.

« Previous entries