Archive for October, 2008

Protected: So Wasted…

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Gangue Thoughts 07

Short conversation with a guy whose name sounded like a car brand (and noh, it is not Toyota…)

Scenario: Last night I attended an informal gathering wherein one of the expats here in our workplace is about to leave the company. They planned a sort of farewell party to him, in which all are invited. While I was in the line of getting some food, this guy had approached me.

Carboy: Ate, hindi ka ba nahihiya, party itong pinuntahan mo (while giving me a look from head to toe)

(I looked at what I am wearing. Casual shorts, Ipanema slippers, brown shirt, hair combed in place)

Nephrite: So? Teka anong masama sa suot ko? At least ako, umuwi muna, naligo at bumalik dito. E ikaw?

(Pinagpatuloy ko na lang ang pagkuha ng PUTAnesca at LECH(E)on

Bitchy moments can sometimes be a good appetizer don’t you think?!

——

Latest Updates:

Confirm na.

Nanenok/nawala talaga yung cellphone ko.

Hay… kagagahan taglay talaga Nephrite.

Paano na yung mga scandals mo dun? Dami mo pa namang….

May mga SOT pa dun.

At mga sikretong kapag nabunyag e makakasira ng reputasyon mo (kung meron ka pa nga ba nun)

Hay….

Gudlak sa yo ineng…

————–

Nawawala….

At sana bumalik naman siya…

Grabe, ngayon ko lang narealize kung gaano siya kahalaga sa akin.

Feeling ko, a part of me had also been gone.

Ang hirap pala.

Nakakalungkot.

Nakakafrustrate.

Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala na wala na siya sa buhay ko.

Gusto kong magmakaawa.

Hindi ko yata kayang hindi siya makasama.

Ang hirap isipin na ang mga susunod na mga araw e hindi ko na siya makikita. Hindi ko na siya mkakapiling.

Iba yung nararamdaman ko ngayon.

Yung sobrang pangungulila.

Napamahal na siya sa akin. Matagal na kaming magkasama. Katabi ko siya sa pagtulog. Siya din ang gumigising sa akin sa umaga. Kausap ko siya sa panahon na masaya ako, at kadamay ko din siya sa mga panahong nakakatanggap ako ng malulungkot na balitang bumabago sa buhay ko.

Sana hindi ka nawala sa buhay ko.

Bumalik ka na.

Dito lang naman ako.

Naghihintay.

…May magsoli na sana ng cellphone ko!!!!!

Gangue Thoughts 06

Ang tagal ko na din palang hindi nanonood ng mga latest eps ng mga shows na inaabangan ko.

Bukod kasi sa naging busy ako sa work (na hanggang ngayon e busy pa rin), e nawili din ako na ubusin ang oras ko sa pagbabasa ng manga.

At saka, since yung (kupal) na IT namin e ginalaw yung wifi device sa bahay na tinitirhan ko kaya hindi na ako makasagap ng signal ng internet connection sa gabi. Ayun tuloy, loss din ang mga pagdownload ko ng mga shows na yun.

Madalas din, late na ako umuuwi, pagdating sa bahay, mas gugustuhin ko na lang matulog. Babangon ng 4AM, magpapainit ng tubig, babalik sa kama, mananaginip ng kawirduhan (nung isang araw, napanaginipan ko na hinahabol ako ng leon (anubeh!) ), gigising ng 530AM, maliligo, bihis at papasok na sa opisina. (Oo, sadyang wala yung pagsusuklay jan kasi hindi ako nagsusuklay)

Note: At talagang ginogoogle ko ang meaning ng paghabol sa akin ng leon noh. Eto ang sabi…

Chase dreams often stem from feelings of anxiety in your walking life. The way we respond to anxiety and pressure in real life is typically manifested as a chase dream. Running is an instinctive response to physical threats in our environment. Often in these dream scenarios, you are being pursued by some attacker, who wants to hurt or possibly kill you. You are running away, hiding, or trying to outwit your pursuer. Chase dreams may represent your way of coping with fears, stress or various situations in your waking life. Instead of confronting the situation, you are running away and avoiding it.Ask yourself who is the one chasing you and you may gain some understanding and insight on the source of your fears and pressure.

Reaction: Oo, sobrang stress out na ako. Pero ni minsan hindi ko naisip na may iniiwasan akong bagay o pangyayari. Pero come to think of it…..

The pursuer or attacker who is chasing you in your dream may also represent a part of yourself. Your own feelings of anger, jealousy, fear, and possibly love, can assume the appearance of threatening figure. You may be projecting these feelings onto the unknown chaser. Next time you have a chase dream, turn around and confront your pursuer. Ask them why they are chasing you.

Reaction: Confront? Confront?! Ano yun, atakehin ko din yung leon????!!!


One may be consumed by their own anger, jealousy, love, or self-destructive behavior. For example, you may be drinking too much or exhibiting open hostility toward others around you. You may subconsciously be threatened by these actions which have been jeopardizing your relationships and/or career. Your dreams are a way of calling attention to these self-destructive actions.

Reaction: Ui, good girl na ako ha. Natapos na yung kadramahan ko na naging self destructive ako. Wala na yun….

Isa pang kawirduhan, simula ng subukan kong uminom ng Vitamin C, lalo pa akong naging prone para magkaroon ng sipon. Pucha, anubeh????! Kalokohan? Hindi naman peke yung gamot na iniinom ko. Pero bakit ganun???

Hay, kelangan ko na talaga ng break.

Sana Tuesday na. Para makauwi na ako sa Manila!!!!

Quickie 06

Note to self: Bakit puro quickie posts na lang ang nasusulat ko???!!

Maniwala kayong busy ako.

Oo, totoo yun.

Hindi na nga ako magkandaugaga sa pagtapos ng mga reports, pagprepare ng presentations at pag-attend ng kung anu-anong meeting, forum at ek-ek na yan.

Sa sobrang stress ko, nagiging pimple nursery na naman ang mukha ko.

Hindi rin ako nakakapagsuklay.

Kumusta naman di ba???!!!

Buti nga nakakaligo pa ako e.

Tapos coordinator ka pa sa sportsfest.

Speaker ka pa sa isang forum.

Kasama ka pa sa budget deliberation.

Anak ng teteng.

Kung hindi lang ako tinakot ng boss ko na hindi ako matutuloy umuwi next week kung hindi ko matatapos ang lahat ng ito, leche, malamang matagal na akong nagwalk out.

Kaya sige lang Nephrite, kaya pa yan.

Malapit na ang pagbabalik mo sa Manila

Quickie 05

Yippeee!!!

Napirmahan na ang leave form ko.

Gusto kong gumulong at magtambling-tambling.

18days!!!!!!

Buhay baboy, pasaway, at bum.

This is the life.

Sign out muna sa mga stress sa work, chismis at okrayan sa ofis at ano pang kakupalan. Hahahahaha

Excited na ako

Protected: Welcome Note turning Kingky

This post is password protected. To view it please enter your password below:


ayoko ng sumagot sa tanong na kumusta ka…

kahapon kasama ko ang isa mong kakilala. nagulat ako kasi kinumusta ka nya sa akin.

hanggang ngayon pala, ang alam nila tayo pa rin.

hindi ko naman alam ang gagawin at isasagot ko. hindi naman kami ganun kaclose nung taong iyon para bigla ko na lang iannounce na wala na tayo. kasi pihado, tatanungin nila kung bakit wala na tayo.

ayoko ng magpaliwanag. pagod na akong magkuwento.

kaya nung tinanong nya ako kung kumusta ka na, simple lang ang sinagot ko.

sabi ko okei ka naman, kahit I have no idea kung ano na ang lagay mo ngayon.

ikaw na ang magpaliwanag sa kanila bakit wala na tayo. ikaw na ang magsabi kung ano yung totoong dahilan.

kasi kahit ako naman, hindi ko pa rin maintindihan kung ano ba talaga ang nangyari sa atin e.

kanina nasira ang Yahoo Messenger ko, hindi ko maintindihan kung ano ang nangyari, pero bigla na lang nagflash sa right side ng screen ng laptop ko na online ka ngayon.

nagulat ako.

kasi ang pagkakaalam ko, i deleted you in my list na. nagdouble checked nga ako e.

oo, wala na yung account mo sa list ko.

so papaanong nangyari yun?

hindi ko naman inimagine yun.

hindi rin ako masyadong tech savvy para maipaliwanag yung naganap.

ayokong isipin na premonition, paramdam or kung ano pa man.

pero gusto kong malaman mo na hindi pala ganun kadaling kalimutan ka.

leche ka!

may mas marami pa akong maanghang na salita na gustong isigaw ngayon, pero hindi ko gagawin. dahil walang kuwenta naman ang lahat na iyon, compare sa isang katotohanan na hanggang ngayon, umiiral pa rin.

mahal pa rin kita hanggang ngayon.

pero pagod na ako.

tama na.

hanggang ngayon yung sakit, hindi pa nawawala. hindi pa ako buo. hanggang ngayon, feeling ko nawawala pa rin ako.

kaya sana tama na.

ayoko ng sumagot sa tanong na kumusta ka…

Daig pa ang piyesta…

Wala ang mga boss ngayon!

Yippeee!!!

Magdiwang tayo!

Buti na lang talaga, mas ginusto ko na magpaiwan dito sa opisina kesa umatend ng symposium na yan. Puro mga (matatanda) malalaking tao lang naman ang aatend dun. Maiintimidate (mabobored) lang ako.

Wala din yung IT namin.

Yiippeee ulet!

Libre magdownload, maglivestreaming at maggaguhan.

Wow, this is the life!

Kelangan i-savor at bihirang mangyari ang araw na ito. Daig pa ang piyesta or holiday.

Quickie 04

Sinulat ngayong buwan ng Oktubre, 24, 2008 sa ganap na 6:44 ng umaga…

Bababa muna ako ng bundok ngayon.

Kelangan daw masilayan ang aking kagandahan ng mga taga-patag.

Kelangan ko na rin makakita ng mga pulis (pangkalawakan).

(Hindi naman ako magsusumplong).

kung saka-sakali, baka pagbigyan in nila ako na makapunta sa Chowking at bumili ng lomi at Nai Cha. Hindi ko na halos matandaan ang itsura ng mga ito.

Oo, ganun na ako katagal nandito sa bundok.

Pinabababa ako (sa langit) kasi daw kelangan kong (maghasik ng lagim) magpresent.

(Wag kang mag-alala hindi ito song and dance number)

So pasyensya muna kung lalangawin ng isang araw ang blog na ito.

Bukas na lang ulet.

« Previous entries