Birthday mo na….
Ang tagal kong hinintay ang araw na to, alam mo ba yun? Kahit hindi nakadata entry sa reminder sa cellphone ko o sa calendar ng laptop ko, isa ito sa mga araw na hindi ko makalimutan…
Gustong-gusto sana kitang batiin e. Kahit sana sa YM or sa text man lang. I don’t expect any reply. Ang importante sa akin, nalaman mo na naaalala ko na kaarawan mo ngayon…
Ilang taon ka na nga pala ngayon?
O siya, siya, sige na. Hindi na natin iaannounce. Hindi ka naman nagmamature e. Tumatanda ka lang ng paurong!!!!
Alam mo bang nagtalo pa ang isip ko at ang loob ko dahil lang dito?
Grabe noh? Ang liit-liit na isyu, pinapalaki ko….
Ang dami kong justifications na ginawa para lang maconvince ko ang utak ko na there is no harm in making communication with you again. Dinaan ko pa nga sa pakikinig sa radyo e. Sabi ko, ang unang maririnig ko na kanta e yun yung sign kung i-gigreet kita sa bertdei mo.
Akalain mong ang tumugtog e ang “I Still Say Yes” ???
Sabi ko, fluke lang yun. Baka naimagine ko lang na tumugtog ang kantang yun. Sabi ko, yung next song na lang.
Tapos ang maririnig ko, yung “The Past”…
Alam mo yun di ba? Yung may lyrics na,
I must forgive you
And you must forgive me too
It is only the thing that’s left
That we haven’t tried to do
One thing that I’m sure will work
That we haven’t tried before
Let’s not bring the past back anymore…
Oo, yun yung kantang yun. E kung hindi pa yan ang sign, ewan ko na lang…
At hindi pa jan natatapos ang pagkawindang ko ha.
Sinubukan ko pang tanungin yung online Magic 8 Ball. Alam mo ba yun? Yung laruan ni Gregory House? Yung inaalog nya tapos may lalabas na sagot na Yes or No.
Aba pagtanong ko kung puede kang igreet sa bertdei mo, ito ang sagot nung bola.
Yes, it is certain.
O bongga di ba? Puro affirmation! Naman!!!!!!!!!!
Sabi ko, iipunin ko na ang lakas ng loob ko. Kasi iniisip ko na ready na ako para bumalik ka sa buhay ko. Wala ng resentment, walang anger, walang bitterness.
Sabi ko kasi nakakapagod na rin. Nakakapagod dalhin yung sakit. Yung araw-araw tinatanong ko yung sarili ko ng “What if?” Nakakapagod na din kasing manatili sa dilim. Ang magtago. Ang magpanggap.
Sabi ko, tanggap ko na ang lahat. Nakamove on ka na. Masaya ka na. Ako naman, sabi nga ni Papa Piolo Pascual dun sa pelikula ni Manay Regine na “Paano Kita Iibigin”…
“I am getting there…”
Sabi din sa Gilmore Girls….
“Anyhow… I’m fine. I’m not over it, but little by little it’s getting easier to pretend it is easier, which means easier might be around the corner…”
Ang dami ko ng affirmations! This is it! Nung nakapagdecide ako na batiin ka, iba yung feeling. Parang ang gaan-gaan ng loob ko. Feeling ko, I am making myself believe that I am doing something that it is really important. Something that would make me feel whole again….
Pero….
Isang simpleng pagsilay lang sa isang webpage, isang larawan, my resolve had been crushed. My affirmations had gone. Nanginig ang kalamnan ko, nangilid ang luha, pinigil ang paghinga, nakaramdam ng kirot sa dibdib at pait sa labi….
Gusto man batiin ka ngayon, hindi ko pa kaya…
Mananatili akong pipi. Hindi makapagsalita. Not even a small sound can escape my lips.
I will remain to pretend that things are easier at my end and that the coldness that I continue to feel is nothing but a damp chill gust by the wind…