Archive for office

Quickie 06

Note to self: Bakit puro quickie posts na lang ang nasusulat ko???!!

Maniwala kayong busy ako.

Oo, totoo yun.

Hindi na nga ako magkandaugaga sa pagtapos ng mga reports, pagprepare ng presentations at pag-attend ng kung anu-anong meeting, forum at ek-ek na yan.

Sa sobrang stress ko, nagiging pimple nursery na naman ang mukha ko.

Hindi rin ako nakakapagsuklay.

Kumusta naman di ba???!!!

Buti nga nakakaligo pa ako e.

Tapos coordinator ka pa sa sportsfest.

Speaker ka pa sa isang forum.

Kasama ka pa sa budget deliberation.

Anak ng teteng.

Kung hindi lang ako tinakot ng boss ko na hindi ako matutuloy umuwi next week kung hindi ko matatapos ang lahat ng ito, leche, malamang matagal na akong nagwalk out.

Kaya sige lang Nephrite, kaya pa yan.

Malapit na ang pagbabalik mo sa Manila

Quickie 04

Sinulat ngayong buwan ng Oktubre, 24, 2008 sa ganap na 6:44 ng umaga…

Bababa muna ako ng bundok ngayon.

Kelangan daw masilayan ang aking kagandahan ng mga taga-patag.

Kelangan ko na rin makakita ng mga pulis (pangkalawakan).

(Hindi naman ako magsusumplong).

kung saka-sakali, baka pagbigyan in nila ako na makapunta sa Chowking at bumili ng lomi at Nai Cha. Hindi ko na halos matandaan ang itsura ng mga ito.

Oo, ganun na ako katagal nandito sa bundok.

Pinabababa ako (sa langit) kasi daw kelangan kong (maghasik ng lagim) magpresent.

(Wag kang mag-alala hindi ito song and dance number)

So pasyensya muna kung lalangawin ng isang araw ang blog na ito.

Bukas na lang ulet.

Fast and Loud songs only made me more sleepy…

Sobrang inaantok ako ngayon.

As in.

Ang weird nga e, ang aga ko naman natulog kagabi, mga alas nuwebe pa lang, nahiga na ako. E hindi ganun ang usual kong bedtime.

Pero inaantok pa rin ako hanggang ngayon.

Alam mo yung tipo na halos hindi mo na maidilat yung mata mo?

Mga ganung factorial ang style ngayon.

Yung pangarap ko na maging chinita e nagaganap na. Kasi halos maningkit na ako sa sobrang antok.

Nandito pa man din ako sa opisina.

At may pinapagawa sa aking presentation ngayon. Ang deadline? Mamayang ala-una.

Ang saya di ba?

E yung utak ko parang nawalan ng sariling disposisyon, mas nakikinig siya sa tawag ng antok. Na mahiga na daw ako ulet.

Sinubukan kong makinig ng mga fast and loud songs pang – alis ng antok, wa epek.

Tumayo na rin ako at naglakad-lakad. Namintig lang yung paa ko.

Nagkape na rin. Pangalawang tasa ko na nga ito e. Pero iba yung powers ngayon.

Buti na lang nasa meeting ang mga busaboss, hindi pa ako nahuhuli na nakatunganga lang ngayon.

Hay, sige, ipipikit ko lang yung mata ko.

Quickie 03

Nakakatawa ngayon dito sa opisina, hindi ko man lamang namalayan na sports coordinator ako. Pucha, ako? Sports coordinator???!! My name and sports shouldn’t be spotted in the same sentence. Pucha kelan pa ako nahilig sa sports???? Kung buti sana merong Badmintoma (doubles competition) or Bedminton (singles). O kaya table swimming (mahjong yata to).

Sobrang hindi ko naintindihan kung papano nangyari ang ganitong kaganapan. Or anong pumasok sa kokote ng mga kasama ko para iassign nila ako dun. E ni organizational skills sa ganyang kachurvahan e wala akong kainteres-interes. Hindi naman ako makareklamo kasi nasubmit na yung pangalan ko. Huhuhuhuhu

Quickie 02

Samu’t saring kaganapan lamang…

—————————-

Totoo talagang maraming namamatay sa maling akala noh?

Akala ko kasi yung taong iniisip ko na tahimik, walang kibo at mukhang mapagkakatiwalaan e siya pala tong magpapakawhistle blower at ookrayin ako.

Considering na kelot siya ha.

Leche.

Damuho talaga.

May pasabi-sabi pa siya na naiintindihan nya ako, na kesyo alam nya kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon.

Wushu, gusto lang palang makasagap ng tsismis.

Oo, hindi naman ako yung namatay kasi nagkaroon ako ng maling akala, (tignan mo nga at nakakatype pa ako para gumawa ng post oh), pero namatay yung tiwala ko sa taong yun.

Hay, lesson learned na naman to.

————————-

May tubig na kami! Yung mineral water na hinihingi ko e dumating na kaninang umaga.

Alam mo kung anong kelangan kong gawin para makuha yun?

Pucha, kelangan ko lang palang makipaginuman dun sa taong nagtatago ng supply. Ayun, pagkatapos nyang malasing, pinangakuan nya akong magpapadala na siya ng tubig sa bahay.

In fairness at in fairview, namaaannn, paggising ko e, may tubig na!

Parang fairy godmother lang, natulog lang ako, paggising ko may ganun na agad.

Heheheheheh

——————–

May nagtext sa akin kagabi, hindi ko kilala, naghello lang at nangumusta. Nung tinanong ko kung sino siya, sabay sabi ba namang, “bukas na lang tayo mag-usap, gabi na e, matulog ka na”.

Anak ng teteng.

Kinaumagahan, e tinext naman nya talaga ako.

Tinanong ko ulet kung sino siya.

Sabi nya, secret na lang muna daw.

Sabi ko, leche siya. Hindi na ako magrereply kasi sayang lang ang piso ko kakatext sa mga taong ganun.

Sabi nya, okei lang daw, nakikita naman daw nya ako palagi.

Hala, stalker in the making???!!!!

——————-

Yun muna, busy ako, yung boss ko na nagsusuplado kagabi e mabait na naman sa akin ngayon.

Hay naku, mas malala pa topak nya sa akin e.

Sige na, tapusin ko lang tong pinapagawa nya.

Bukas ulet

Office Rant 05

Tunaw

Daig ko pa ang isang ice cream na nakabilad sa ilalim ng araw.

Oo na, korny na naman ang hirit ko.

Pero feeling ko tunaw ako ngayon.

Sa isip, sa salita at sa gawa.

(Ibaba na ang kanang kamay)

Pero totoo yun.

Ilang beses na bang lumabas sa mga entry ko na napakaunmotivated ko ngayon? Hindi kaya sign na ito na kelangan ko na magmove on at magkaroon ng change of environment?

Sa ngayon, feeling ko parang…

Kelangan na yata talaga.

Kung tutuusin, wala naman akong reklamo sa mga kasama ko dito sa opisina. Masaya naman kami. Kokonti lang din naman ang mga boss na nakakakulot ang bangs sa pagiging PASS-SAW-WHY nila. Siguro isa lang yun.

Yung isang boss ko na SOUP-PLAID-DUH e keri na yun. Ganun naman talaga yun. Pero at least naman, fair naman yung boss na yun. Hindi ka naman sisinghalanng basta-basta. Valid ang reasons nya kapag naiisip nyang magbigay ng award (sermon).

Kahit yung mga kapwa ko aliping namamahay (karamihan kasi sa amin ay hindi tagarito sa lugar na pinangyarihan ng krimen), e matino naman. Lahat kami makukulet. Yung isa, kapag nabobored, bigla na lang magcacartwheel or magbabackflip. Yung isa naman, naisip na yata nya ang lahat ng dahilan para makapagfile ng leave, yung isa naman, madalas wala din sa opisina kasi lagi nyang sinasabi na may field work daw siya.

At ako? Sino ako sa opisina?

Ako ang artista dun.

Magaling ako magpanggap e. Hindi mahirap sa akin ang immerse ang sarili ko sa isang role.

….kunwari sobrang busy-busyhan, na hindi maalis ang pagkatutok sa computer (yun pala, pilit pa ring inaayos ang blog template nya)

….kung minsan lagi na lang humahangos kung saan-saan, akala mo ang daming taong hinahanap na kelangan kausapin (yun pala nagtatago lang sa pantry para magkape)

….kapag nakitang palapit ang boss sa work station, dagli-dagli akong tatayo at magmumukhang may ipapaphoto copy na report (yun pala umiiwas lang at lalabas at magyoyosi break)

Oo, baliw din ako sa opisina.

Pero in fairness at in fairview naman sa akin, wala naman silang hininging report na hindi ko nabigay. Wala silang tanong na hindi ko nasagot. At walang work problems na itinoka sa akin na hindi ko nasolve.

So siguro kaya kahit mejo nahahalata na nila ang mga kalokohan ko e, hindi na nila ako pinapagalitan, after all, sabi nga nila, at the end of the day, the outcome of your work is the one that is important…

Galing ng palusot ko noh?

So, kung maganda nga ang working environment ko, bakit nangyayari pa na unmotivated ako?

Siguro kasi feeling ko mabagal ang career growth ko dito. Parang heller, 2 years na ako dito pero wala man lang akong nakikitang paved future path. Maganda naman ang performance review sa akin, pero wala pa ring nangyayari.

Tsaka nakakapagod ang chism dito. Kung sa tingin nyo e ang tamad ko na, hala, sana makita nyo din yung ibang tao dito sa opisina na binabayaran lamang upang makita silang nagwaYM, naglalaro ng Zuma, at nakikipagkuwentuhan. Sana nakikita nyo din yung ibang tao dito na nagdodownload lang ng mga movies, nanonood ng porno at nakikipagbolahan sa Skype.

Hindi naman sa nagmamalinis ako, pero namaaannn… compare sa kanila…

Ang dami pa ditong back stabber. Kaya nga siguro ang panget din ng posture ko e, hindi ko na masandal ang likod ko sa office chair ko. Paano, hanggang ngayon hindi ko pa nabubunot yung mga kutsilyong iniwan nila sa likod ko.

Naglipana din dito ang taong pinaglihi sa alimango. Anak ng teteng. Busy na nga sila sa kakachismis, kakaYM at kakaDL ng videos pero may time pa silang maghabi ng storya. Hindi lang sila mukhang alimango, pumasok pa yata sila sa Dressmaking course.

Yun na.

Tunaw ako ngayon.

Puede kayang katulad ng natunaw na ice cream e ilagay ko ang ulo ko sa ref para manigas ulet?

Catatonic @ Work

Spend half of my day attending a boring management meeting.

And I have to endure that.

You see, I am not good in meetings. In fact, if I could escape all those meetings altogether, I would be a happy employee already. Besides, I am just a wallflower during that times. A waste of oxygen in the room.

And I tend to sleep during meetings.

Yep, you heard it right.

I remember this incident when I have to act as a notetaker during one of those so-called “serious talks” against my will. And really, I was so bored! It is not that I don’t understand what they were saying, but mostly because some of the people here have the voices that would put Kuya Cesar (rip) into shame. They all have this monotone sounds and they kept on repeating every single thing over and over again.

That’s why I tend to be so sleepy.

And I did slept in one of those meeting. My boss had to pinched my arm when he saw my head bowing down. After that, I received a very good scolding.

Urghh..

There was also another time that I was talking to another boss. He was giving me some instruction regarding this particular task he had assigned me to, and the next thing I knew, I was dozing off in front of him! (Honestly, I find this so funny). He has to strike a pencil on my forehead just so he could wake me up.

Yeah, catatonic at work at its finest.

Office Rant 04

Dear Trabaho,

Ayan, tinawag pa kitang dear ha. Just to emphasize kung gaano ka kaimportante sa akin ngayon. As in. Lumelevel ka na naman. Masyado kang demanding. Kinakain mo na halos lahat ng oras ng isang araw ko. Kelangan na lang laging binibigyan ng atensyon. Ano ka ba? Puede ba, paminsan-minsan ako naman ang intindihin mo? Tao lang ako. Again, mukha nga akong Dyosa pero hindi naman ako nabiyayaan ng bonggang powers para laging masatisfy ko ang lahat ng whims and orders mo.

Sana naman kapag nasa bahay na ako, tantanan mo na ako. Sana wag ka na lang eeksena sa mga usapan namin. Mahigit 10 oras na nga na kasama kita pagdating sa bahay gusto mo iisipin ka pa rin. Naaammaaan.. bad yun.

Kahit sa inuman, gusto mo bida ka. Sana naman hindi na lang ikaw ang pulutan palagi. Tignan mo nga, inaatake na naman ako ng hyperacidity ko dahil sayo. Minsan na nga lang maghapi-hapi, nakabantay ka pa rin.

Tapos kahit sa pagtulog, gusto mo kasama ka. Ang lamig na nga ng panahon dito sa site, gusto mo lalo pa akong magkasakit dahil sayo. Ano ka ba? Konting sensitivity naman.

Alam ko, vengeful ka, kaya nga iniiwasan ko na galitin ka e. Nanjan yung, sobrang pinastress out mo ko, pinangarag, at tinakot kung baka bukas e magkahiwalay na tayo. Nanjan din yung sinira mo ang mukha ko sa kadamihan ng pimple breakouts at eyebags na dulot mo. Puyat na nga, tapos nerbyosa pa, paano gusto mo kung kasama ka dapat may coffee sessions. Pero sana, hinay-hinay naman.

Yang mga tantrums mo katulad ng deadlines, puede ba optional na lang sila? Hindi naman ako gas para mapressure pero dahil sayo, nararamdaman ko yun.

Pero mahal kita. Alam mo yan, mejo nagrarant lang ako ngayon kasi nakakawindang na. May mga kasama pa tayo sa opisina na parang kontrabida sa lovestory natin. Ayan tuloy, against all odds tayo. Sana naman, magtulungan tayo. Sabi nga ni Tim Gunn, “Make It Work!”.

Hindi naman ako mawawala e. Pero bigyan mo muna ako ng chance na huminga ha.

Yun lang.

Nephrite

BC

1. Nope I am not talking about the time period here. But with the rate of what I am going, it might take a time like that to finish this.

2. word sounds like – busy? Yep, that I am. But I have no complaints, this kind of task is something I am looking forward too, no matter how hard it may be. But yeah, since I am busy with work right now, my usual cheery, sugary and the bitchy-emo girl would not battle it out in this blog. But I will still try to post here everyday even if my boss would find me doing this instead of what he had ordered.

3. BC – Budget Consolidation. For someone who is not much of a planner, a budget task seems so ironic. But here I am, trying to bust my @$$ off so I could prove that I am way better than the people they had just labeled off as “magaling”.

Note to myself: Hapinesa ka, challenge lang to, in the end, ikaw at ikaw pa rin ang magwawagi! Go Girl!

DH/SH

YM Conversation with MCB (Maniac na, Call Boy pa) (I’ll tell you sometime why I called him MCB)

Subject: Rumors about retrenchment here in the company I was working and the chances that I might be on the list. Looking for other possibilities…

MCB: mganda di ba gusto mo na lumipat?
MCB: open d2 hehehehe
Me: jan sa lepanto?
Me: hmmm..
MCB: uu
MCB: sabihin mo DH ka na dyan para ikaw yung boss ko dito
Me: puede pa-under na lang sayo?
MCB: hehehheh
Me: mahina pa ko sa GemCom (mining software)
MCB: Ah DH ka na db, SH pa lang me
Me: hindi ko na nga alam magGemCom e
Me: Anong SH?
MCB: pwde tayo gagawa ng reserve, tayo nila sir jun
Me: staff helper?
MCB: section head
Me: akala ko staff helper
Me: tapos ung dh – domestic helper

-End-

Lesson Learned

1. Wag masyado magpanic, para hindi nararattle ang utak.

2. Be familiar sa mga acronym, abbreviation churva

3. Pasalamat ka at kaibigan mo talaga si MCB kaya kahit nagpakita ka ng katangahan e ilalakad nya pa rin ang application mo.

« Previous entries