Posts Tagged ‘E-mo!’
Sorry, I won’t greet you today….
On Sasha Fierce, the broken hearted girl and one hella of a song lyric
Napapadalas yata ang pagsusulat ng emo entry ko.
Isa lang ang ibig sabihin nun, aba, si lolah, umaariba ang pagkahibang. Isusumpa ko na naman ang hormones ko. Sila na naman ang sisihin ko. Ang bongga naman kasi, lagi na lang depress-depressan mode kapag inaatake ng moodswing. I might as well smash the chainlink that hang that stupid swing…
(Ergo: Tumira ka kaya Nephrite ng anti-depressant noh?)
Alam nyo na isa sa hilig ko sa pagnenet, bukod sa pagchachat e ang pagbabasa ng mga forums at blog hopping. Kung saan-saan nga ako napapadpad e. Kaya ayun, suerte naman, alam ko na ngayon kung saan the best magdownload ng games at application sa PSP, ebooks, programs, videos, livestreaming ng mga TV series na inaabangan ko, movies pati na rin mp3.
O di ba? Ang saya?
Speaking of mp3 at videos, napanood nyo na ba ang MV ng Single Ladies ni Beyonce Knowles?
Hindi pa?
Nyeh, bakit?
Panoorin nyo dali…
Ano kamo? Link? Anak naman ng patis o… Ako nga nageffort hanapin sa youtube tapos hihingin nyo lang sa akin yung link?
Neknek nyo.
Aba, pagsumikapan nyo naman…
Pero grabe, ang ganda talaga nung MV na yun. Pucha, ang haba pala ng legs ni Beyonce??? Umaabot hanggang kili-kili!
Lumabas na naman tuloy ang pagiging Insecurita Avila ko. Anak ng teteng kasing Beyonce yan.
Ay Sasha Fierce na pala siya ngayon…
Siguro nanonood si Beyonce ng Project Runway. Tapos favorite designer nya si Christian Siriano. E siya kaya nagpauso ng “Fierce” na yan.
Enewei, hindi tungkol sa Single Ladies MV ni Beyonce ang dahilan bakit siningit ko siya dito sa entry ko.
Narinig nyo na ba yung track na Brokenhearted Girl niya sa bago nyang album?
Hindi pa rin?
Anubeh???!!! Kumukulot ang bangs ko sayo.
I-google mo pare, maniwala ka, ang ganda.
Actually pagkarinig ko dun sa song, feeling ko I punched in the stomach. Kumbaga simpleng hirit lang.
Ganun yata talaga ako e, one song could really made me feel raw and vulnerable.
Kung nung isang araw, gumawa ako ng entry based sa linya ni Papa Odie sa One More Chance, ngayon, gagawa ako ng entry based naman dun sa linya sa song ni Beyonce Knowles…
You’re the only one I wish I could forget
The only one I love to not forgive
And though you break my heart
You’re the only one
And though there are times when I hate you
Cause I can’t erase
the times that you hurt me
And put tears on my face
And even now while I hate you
it pains me to say
I know I’ll be there at the end of the day
Grabe noh? Kinakabog ako ng linyang nyan…
You’re the only one I wish I could forget
The only one I love to not forgive
Yeah, you are the person I would not want to forgive. Gusto ko pagdusahan mo yung kagaguhan na ginawa mo sa akin.
Pero ang tanga ko, how could I forgive someone who hadn’t acknowledge that all of these is his fault? No sorry could be uttered unless someone really feel the need that he has something to apologize about.
And yan, ang damot mo. You deprived me of that thing. Ang marinig ko na magsorry ka, at tanggapin mo na ikaw ang may kasalanan ng lahat.
Madamot ka.
I couldn’t say that “all is forgiven” kasi hanggang ngayon hindi ka nagsosorry…
And though there are times when I hate you
Cause I can’t erase
the times that you hurt me
And put tears on my face
Oo, ngayon I am acknowledging that a part of me is angry at you. You had caused me so much pain. A pain that I don’t think I really deserve. Kahit sabihin pa nila na karma ito sa akin.
And even if Karma is trying to punish me, I don’t think that you should be the one who would have the right to act on it.
Ilang beses na ba ako umiyak? Ilang beses na ba ako nagdrama? At bakit hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako?
I even had wished for a selective amnesia. Gusto ko lang kalimutan ang lahat. Lahat ng pangyayaring kasama ka.
Hindi bebenta sa akin ang Memory Plus ni Kuya Kim. Ayaw ko ng maalala ang lahat lahat.
And even now while I hate you
it pains me to say
I know I’ll be there at the end of the day
And yes…
Gaga na ako, loser na matatawag or baliw na.
Pero nandito lang ako.
Not a friend nor a lover.
Pero nandito lang ako….
Tama o Amats?
naalala mo nung ako andyan”
diba ikaw yung nagsabi sakin”
“na baka kaya tayo iniiwan ng taong mahal natin”
“kasi baka meron pang darating na mas okay”
“na mas mamahalin tayo”
“yung taong hindi tayo sasaktan at paasahin”
“yung nagiisang taong magtatama ng mali sa mga buhay natin”
“ng lahat ng mali sa buhay mo”
Linya ni Popoy yan…
Sino si Popoy? Sang planeta ka galing at hindi mo siya kilala?
At wag mong sabihing porinjer ka, ineng, kaya nga sa tagalog ko sinulatitech para mabroadcast na galing sa isang Pilipino ang nagsabi nyan.
Tapos may gana ka pang itanong ngayon kung sino si Popoy?
E kung makareceive ka ng roundhouse kick sa ngala-ngala gusto mo?
Napakaambisyosa.
Sino si Popoy?
O siya, siya. Sa mga Others at OP jan, si Popoy si John Lloyd “my labs” Cruz. Siya yung bidang lalake sa One More Chance.
Napanood ko kasi kagabi ang pelikulang ito. Oo, nadownload ko siya. Wag mo ng itanong kung ilang beses ko na napanood ang mobi na ito. Basta napanood ko siya sa sine, sa vcd, sa dvd at nalive stream pa. Oo ganun ako kaadik kay Lloydie.
Hindi ito mobi rebyu, hindi ko naman hilig yun. At kahit magaling akong manlait at magbigay ng puna, hindi ko binalak na gamitin ang powers ko para sa film na ito. Tsaka wala din naman yata akong magandang credibility to appoint myself as a critic. Yung One True Love nga ni Marian Rivera at Dingdong Dantes nagustuhan ko e.
Weird noh?
Balik tayo kay Popoy. (the boy, not the…..)
Enewei highway, napanood ko nga siya kagabi. E di siempre, crayola ever na naman ang lolah mo. Pang-asar naman kasi to si Papa Lloydie e. (Pero kung kaming dalawa lang, Odie ang tawag ko sa kanya, terms of
endearment kumbaga… nyak!)
Ang bigat ng hirit ni Papa Lloydie. Tumatagos. Tinignan ko nga ang likod ko sa salamin kung may tama e.
Dalang dala talaga ako sa linya nyang yan. Pucha naman, natatandaan ko, may tao akong pinagkuwentuhan tungkol jan e. Parang eto yung YM Conversation namin
Ako: Ui, 332743 napanood ko yung One More Chance kagabi
332743: Ah talaga, sino bida dun?
Ako: Si John Lloyd Cruz at Bea “nagmamaganda” Alonzo
332743: Hindi ko sila kilala…
Ako: Erghhh… Anubeh?! Hindi mo kilala si John Lloyd Cruz?!!! Karibal mo kaya siya sa akin.
(Oo, mahaderang ambisyosa ako…)
332743: Hindi kasi ako nanonood ng Tagalog Films.
Ako: Ay, ay, ay… may ganung factorial. Lumelevel up ka para maging shala-shala?
332743: Hindi naman, hindi ko lang talaga hilig manood ng ganun.
Ako: Owkei.. (Sa sarili ko: Pasalamat ka at malaki ang laban mo kay JLC in terms of of being cute… Hay…)
(Sidenote: Wag ka, nung nagpunta ako sa bahay nila, nakita ko sa gamit nya ang vcd ng Dubai at All About Love na parehong pelikula ni JLC! Depensa nya, sa Nanay daw nya yun… Ang tanong, bakit dineny mo na kilala mo si JLC??? Ui.. insecure ka noh?)
Asan na ba ako?
Ah dun sa YM Conve namin about One More Chance…
Ako: (sinend sa kanya yung quote ni Lloydie boy)
332743: Ano yan?
Ako: Sinabi yan ni Popoy dun sa film
332743: Talaga?
Ako: Yup
332743: Bakit mo sinend sa akin?
Ako: Nacapture ng linyang yan yung gusto kong sabihin sayo… Now I know why all of those relationships that I had before hadn’t work out. Kasi ikaw yung magtatama sa lahat-lahat ng buhay ko… Sabi nga sa song ng Rascall Flatts, “Bless this broken road that led me to you…”
332743: (insert smiley hugs here)
Kinilig ka??? Hindi? Adik ka siguro…
E nadramahan ka ba? Hindi rin? Double adik…
Bakit sinulat ko to?
Kasi niremind ako ng linyang yan.
Tama….
Siya ang nagtama sa lahat ng buhay ko.
Pero mali na siya yung taong darating na mas okay…
Kung malamig ang panahon…
Kapag ganitong malamig ang panahon, ang hanap ng katawan mo ay init.
Kung walang human blanket, magtitiis ka sa Spiderman mong kumot. Magtatalukbong ka at magtatago. Feeling mo kasi, sinusundan ka ng kidlat. E si Papa G lang yun. Nagkokodakan sa heaven. Sabi ko nga kay Papa G kung kukuhanan nya ako ng pektuyr gamit ang SLR nya, isipin nya na mas maganda ako kung sa kanan na angle. Mas bongga daw ako dun.
Ganito talaga pag umuulan. Dalawa lang ang puedeng mangyari sa akin.
Ang magsenti.
Or maging baliw.
Puede din naman pagsamahin. Senting baliw. Dagdagan mo lang ng caffeine at neurotic na rin ako nun.
Dahil malamig ang panahon, ano pa nga ba ang masarap gawin?
Ang magbati ng itlog…
…..ng manok para ihalo mo sa Lucky Me noodles (na beef). Sasamahan mo yan ng blue skies, spring onion flavor (e samantalang ayaw na ayaw mong kumain ng sibuyas, pero kapag itong cracker na to, you made exemption).
Magkakape ka rin. Hindi lang isang beses. Kung minsan nga, umaabot ka ng hanggang tatlong tasa. Simpleng hayok lang. Bentang-benta sayo ang Nescafe 3-in-1. Nilalagay mo yan dun sa blue na tasa na may nakadrawing na Tinkerbell.
Kung nagfifeeling intelekwal ka, magbabasa ka. Nandyan naman yung kakabili mong Pugad Baboy XX (sa Airport mo pa yan binili). Pero dahil sabi mo’y parang hindi bagay ang magtawa-tawa habang masungit ang panahon, kaya ang pipiliin mo e yung (Harlequin Blaze na may bare-chested guy sa cover) libro na nakakapagpa-emo. Ilang beses mo na ba nabasa ang Time Traveler’s Wife?
Kung ayaw mo naman malunod sa English pero gusto mo pa ring magpakasenti, bubuksan mo yung book ni Sam McBratney. Nakakatuwa talaga yung dalawang kuneho. Habang napapangiti ka sa pagbabasa, may tila kumukurot naman sa dibdib mo.
Ewan, baka nilalalanggam ka lang. Tigilan mo na kasi ang pagkain ng Blue Skies at Piattos.
Naman.
Kapag mag-isa ka lang sa kwarto at hindi ka makatulog (kasi nakabukas pa rin yung ilaw, e alam mo naman na hindi mo kayang ipikit ang mata mo kung hindi pitchblack), gagamitin mo yung PSP mo para (maglaro) para magpatugtog.
Konti lang naman ang nasa playlist mo, pero hindi ka nagsasawang marinig sila. Eto yung Top 4.
1. To Be With You – Mr. Big
2. Somewhere Over the Rainbow/What A Wonderful World – isang kanta sa 50 First Date
3. Goodbye My Lover – James Blunt
4. Better Together – Jack Johnson
Kung maumay ka man at (galabugin) katukin ka ng tao sa kabilang kwarto (na nanggigising sayo ng madaling araw dahil sa mga yabag nila sa hagdan), titigilan mo na ang sound tripping. Tutal naman, namaos na rin ang boses mo kakasabay sa mga kantang yun. Buti na lang at boses lalake ka, kaya kahit male artists ang kumanta, parang pareho lang…
Titignan mo ang cellphone mo (bago siya kasi nawala yung isa). Naalala mo na nagpaload ka ng 100pesos nung isang araw. Pero hanggang ngayon, buo pa rin siya. Wala ka naman kasing katext, wala ka ding tinatawagan. Kung tutunog man ang cp mo, galing lang yun sa pakulo ng network na ginagamit mo.
Titignan mo yung cellphone mo kasi wala kang orasan. Oo, kahit niregaluhan ka ng tatay mo ng Rudy Project, hindi mo yun ginagamit. Sa katunayan, iniwan mo yun sa bahay nyo sa Manila. Parang napakawalang kwenta mo namang anak. Hindi ka makaappreciate.
Anong oras na? Gabi na pala. Pero hindi ka pa rin makatulog. (Malamang dulot yan ng tatlong tasang kape).
Malamig pa rin ang panahon. Nakabalot ng Spiderman blanket (yung blue!) ang katawan mo. Nagbukas ka ng kompyuter. Teka, hindi na nga pala umaabot ang wifi signal sa bahay nyo. Paano ba yan, loss ang pangarap mong magchat sa YM, maglivestreaming at magcheck ng horoscope mo sa MSN.
Meron ka nga palang mga dvd. Yun na lang ang panonoorin mo.
Weird ka din, umiiyak ka sa isang episode ng How I Met Your Mother at pati na rin sa Reaper. E parehong comedy yun. Tapos tiim-bagang ka habang pinagpipilian mo kung isasaksak mo ba ang “The Illusionist” o yung “The Eternal Sunshine of the Spotless Mind”.
Iba talaga ang nadadala ng lamig ng panahon. Iba talaga kapag umuulan.
Naaalala mo kasi siya.
Mamamatay ka muna…
May napanood akong korean movie. Oo, guilty pleasure ko ang panonood ng koreanovela at mga cheesy flick nila.
Ang title, “A Millionaire’s First Love”.
Hindi ko na masyado ikukuwento ang story nito dito. Tanungin nyo na lang si Repa Google. Or daan kayo sa crunchyroll. Andun yan.
Basta ang alam ko, yung babae may sakit siya. Malapit na siyang mamatay. Tapos nagkita ulet sila nung lalakeng matagal na pala nyang hinihintay.
Kung titignan mo, ang drama. Pinigil ko nga ang pagpatak ng luha ko habang pinapanood ko ito. (Nasa opisina kasi ako nun, e bawal pa man din ang streaming at pumepetiks sa trabaho)
Pero naiinggit ako dun sa babae (hindi dahil sa mamamatay na siya ha, wala naman akong suicidal tendencies…ngayon)
Naiinggit ako sa kanya kasi at least makakapagpaalam.
Naipaalala nya dun sa lalake yung nakaraan nila.
Tapos nagkaroon pa sila ng pagkakataon na i-cultivate ang relationship nila into love.
Oo, masakit na in the end, mamamatay yung girl at maiiwan yung guy dito sa mundong ibabaw.
Pero hindi naman sila pinagdamutan ng Diyos e. Ayun nga di ba, binigyan pa nga sila ng chance to experience love.
Di ba sabi, it is better to love and lost and not to love at all?
Siguro, may mahadera jan na magsasabi na, kaya nagmamagaling ako magbigay ng opinyon kasi hindi ko pa naman (at wag naman sana) maranasan ang ganung pangyayari.
Isa lang sagot ko jan… Weno ngayon???!!!!
Hindi pa naman ako mamamatay. Pero nasubukan ko na ang maghintay.
Mas masakit yung naghihintay ka sa wala. Alam mo na ngang wala, pero hindi ka pa rin tumitinag sa paghihintay mo.
Kaya nga naiinggit ako dun sa babae e.
At least bago siya mamamatay, dumating yung pagkakataong hinihintay nya. Bonus pa yung makakapagpapaalam siya.
Ako kaya? Kelangan ko bang mamamatay muna bago ka dumating?
At marinig ang paalam na hindi mo binigay nung lumayo ka?
Remembering one Lady
Hindi dapat ito ang entry ko, kaya lang, yung topic na naisip ko na isulat, mejo ayaw ko munang pag-usapan. And nahihirapan akong ikuwento yun, parang hindi ako makahanap ng angkap na salita para ipaliwanag ang bagay na yun. So iniba ko na lang.
Pasyensya na ha.
Simula ng bumalik ako para mamundok, napapansin ko lalo akong nagiging Emo. Ewan, siguro kasi kakaunti yung taong nakapaligid sa akin at napapadalas ang pagiging mag-isa ko. Naliligo naman ako araw-araw. Nagpapabango naman. Naghihilod. Gumagamit ng shampoo, conditioner, sabon, bath salt, body wash, facial wash, bath oil, lotion, nagtotoothbrush at nagmomouth wash, araw-araw na nagpapalit ng damit pero ganun pa rin.
Hindi naman ako nangangagat. Mejo nababawasan din ang panglalait ko. Mejo on silent mode ang drama ko kasi pinapractice ko yung mantra na “kung wala kang magandang sasabihin sa kapwa mo e itikom mo na lang ang bibig mo”. So kung titignan, lumelevel naman ang pagiging friendly ko.
Pero simula ng bumalik ako dito, parang ang daming nagbago.
Bukod sa palagi kong pag-iisa, feeling ko hindi na rin ako makajive sa ibang mga kasama ko dito. OP kumbaga. Hindi ko na masyado masakyan ang mga hirit nila. Kung minsan nga mas gugustuhin ko pa na magkulong sa bahay kesa mag ubos ng oras kausap sila.
Kanina sinabi ko na friendly ako.
Totoo naman yun.
Pero ako yung tipo ng tao na hindi ko ipipilit yung sarili ko sa iba. Kung ayaw sa akin, e di fine. Nabuhay naman ako ng xx years na hindi ko kayo kilala. Hindi nyo hawak ang hininga ko, at hindi rin naman kayo ang nagtatago ng kaldero ng kanin namin, so wapakels nalang kung hindi nyo ko pansinin.
Simple lang di ba.
Walang pilitan.
So wala ding plastikan.
Pero siempre naalala ko lang yung time na feeling ko bida ako palagi.
Madaming kaibigan. Daming nakikihalubilo sayo. Lagi ka nalang center of attention. Inaabangan nila palagi ang mga kuwento mo. Hindi mo nasusubukan kumain magisa during lunch break, lagi kang may kasabay sa pag-uwi at kung minsan maglalambing pa sila sayo na magpasleep over ka para makapanood kayo ng dvd at magchikahan magdamag.
Nakakamiss din siempre.
Ngayon, goodluck na lang kung may marereceive kang text sa kanila para sabihin nila na nauwi na sila sayong pumasok, or naarrange na nila ang susundo sayo sa Airport pabalik sa site. Suerte mo na rin kung inalok ka nilang kumain ng marang or iYM na may chocolate daw sila, kasi napadaan ka sa workstation nila, ang panget nga naman ng attitude na lalabas sa kanila kung hindi ka nila yayayain, baka masabihan mo pa silang kupal.
Nakakamiss talaga yung maraming kaibigan.
Pero kaibigan nga ba talaga silang matatawag????
Ayaw ko na lang sagutin yan…
Ako yung tipo ng taong madaling magtiwala.
In short, uto-uto.
Maniwala ka man o hindi, kapag kaibigan kita, ipapakita ko ang katawan kaluluwa ko sayo. Ayaw ko kasi ng pretensions e. Gusto ko may transparency. May honesty. Ganun ako.
Sabi ng iba, mali daw yun. Naabuso ang katangahan kabaitan ko.
Pero sabi ko, hindi naman isyu sa akin yun.
Ang sa akin, kung hindi ka magiging totoo sa akin, wala na akong magagawa. Sabi nga nila, your only responsibility is the act that you show to the other people.
So bakit sinasabi ko to?
Wala ulet.
Mejo weird ang line of thought ko e.
Actually namimiss ko yung isang kabigay ko.
Si Lady Gishi.
Ngayong ko lang nalaman na nagresign na pala siya dito. Ayaw na nyang umanib sa amin.
Sayang hindi man lang kami nagkausap. Hindi man lang nakapagsabi ng paalam.
Isa pa man din siya sa mga taong pinagkatiwalaan ko e.
Kaso…
Basta ganun na lang.
Sa muling pagkikita na lang mare.
Samahan mo ako ulet magpahula.
At manahimik ka sa isyu tungkol dun sa…
At sa…
At sa…
Floodgates of Emotion had just Open…
Hindi ko alam kung hanggang ngayon para sa akin hindi pa rin tapos ang lahat…
Ayoko namang maghanap ng closure. Ang pathetic naman yata nun.
Pero nahihirapan akong hindi lumingon at kalimutan ang lahat.
Ayokong isipin na unfair ang buhay. Na while I am suffering in silence, you are moving on and the last that I heard, it seems that wonderful things are coming in your way.
Samantalang ako, eto, nilalait dahil sa pimple nursery ko, ang weight gain ko at hindi pa ako makahanap ng mas magandang trabaho.
Feeling ko din kumokonti ang mga kaibigan ko na willing na makinig sa akin at intindihin ang kalagayan ko.
Mas madalas nga e mag-isa na lang ako ngayon.
Pero in fairness naman hindi ako depress. I have to admit na feeling ko kung minsan parang may kulang and that I am subjecting myself to the monotony. And that it seems I am just here, wishing that something good will happen.
Kaso wala.
Nagawa ko namang idivert ang atensyon ko sa ibang bagay. Nakakapagbasa pa rin ako ng ebook. Wala kasi akong pambili ng mga libro e, kaya dinadownload ko na lang. Reliable naman yung mga sites na pinagkukunan ko e.
Nawiwili din ako manood ng dvds at mga US TV series. Siguro, you might find it weird na I am hook in watching Gossip Girl, Project Runway at America’s Next Top Model. Alam mo kasing hindi ako girly-girly. In my defense (at kung kelangan naman talagang bigyan ng katwiran..), siguro I just want to push the creative button in me. Or gusto ko lang talaga makaappreciate ng beauty. (Wag kang mag-alala hindi naman ako nagiging obit kahit marami ang nag-aassume na ganun nga ako)
Tsaka kinocompensate din naman yan ng pagiging adik ko sa CSI: LV, CSI: NY, Criminal Minds at Dexter. Oo, crime series.
O kaya naman e yung medical dramas katulad ng House:MD at Grey’s Anatomy.
Wag mo ng itry ipsychoanalyze kung bakit mahilig ako sa mga ganyan. Baka isipin mo na I am aspiring to be a misogynistic fashionista criminalist. Hindi ganun yun. TV addict lang talaga ako.
Marunong na rin ako magluto kahit papano. In fairness, impluwensiya mo yan. Nakakahiya kasing isipin na mas marunong ka sa akin samantalang ako ang babae. Oo, totoo na mas maraming male chef katulad ni Bobby Flay at yung matabang lalake na lagging nakaCrocs na lagging nananalo sa Iron Chef America. Pero feeling ko, mas gugustuhin ko na sundin ang yapak si Ina Garten na si Barefoot Contessa. Kung hindi puede, kahit maging friend lang ako ni Ina, ng kahit papano e mayaya naman nya akong kumain sa bahay nila. Lagi kasing masarap ang niluluto nya e.
So wag ka ng magtaka sa weight gain ko. May positibong resulta pa rin naman yun. Ayan at kahit papano, kung maisipan ko na mamuhay mag-isa, hindi naman ako malalason kakain ng sardinas at noodles.
Yung pimples, ah eh, sabi ni Dok, stress at puyat daw yun. Hindi naman ganun kastressful talaga ang work, pero alam mo din na worrier ako. Lahat para sa akin big deal, kaya siguro the chronic look of panic into my face is so common na. Wala ng nagtataka. Yung puyat, ewan, epekto siguro ng patuloy kong paglaklak ng kape. Kaya nga naiisip ko din na kung magkakapera ako ng malaki-laki, coffeeshop na may bookstore ang pangarap ko na negosyo.
Siyanga pala, may PSP na din ako. Natapos ko na yung Loco Roco. Oo, pambatang laro lang ang kaya ng powers ko. Iniiwasan kong laruin ang God of War, at Crisis Core kasi bumabalik ang pagiging baliw ko. Tsaka lagi pa akong nagmumura kapag yun ang nilalaro ko. Lagi ko pa man din katabi ang pamangkin ko. Kaya nung minsan, narinig ng nanay ko na nagsalita ng Leche at Pucha ang pamangkin ko, isang masamang titig lang ang binigay ni Mother Superior.
Ang tagal ko ng naghahanap ng mas magandang work. Sana yung nasa Manila naman. Para kasama ko na yung family ko. Nahihirapan na rin ako na hindi sila kasama. Baka kinakarma ako dahil sa paulit-ulit kong pagtanggi sa mga oppurtunities noon. Ayaw ko kasing mawalay sa tabi mo e….
Pero sana naman, makahanap na ako. Gusto ko ulet mag-aral. Gusto ko din mag-abroad. Parang adventure. Baka makatulong ang change of pace at scenery sa akin…
Hindi naman talaga unfair ang buhay. Well, sige na nga, unfair na kung unfair. Pero feeling ko mas unfair ka.
Oo, unfair ka.
Uulitin ko, unfair ka.
Pinipilit kong mamuhay na wala ka na sa tabi ko. Na lahat ng mga inimagine ko na puede nating gawin e wala na. Hindi ka na dapat kasama sa mga pangarap ko.
Pero bakit ganun, lagi pa rin kitang naaalala? Ang tagal na nung araw na gumuho ang mundo ko. Mahigit 3 buwan na. Pero hanggang ngayon apektado pa rin ako.
Kapag lumalabas ako ng bahay sa Manila, iniisip ko kung paano kung magkita tayo? Iniisip ko pa lang, ninerbyos na ako. Baka kasi magwaka ako at gumawa ng eksena kung makita kita . Baka kabugin ko ang katarayan ni Gladys Reyes. Pero mas natatakot ako na maging Judy Ann Santos ako at maiyak ako kung makita kita.
Pero alam mo kung saan ako mas natatakot? Mas natatakot ako dun sa magiging reaksyon mo kung makikita mo ko. Parang hindi ko yata kakayanin na malaman na magagawa mo akong iignore or balewalain or worse tawanan kapag nagkita tayo…
Ilang lingo na lang, bertdei mo na. Makakaya ko kayang batiin ka? Pero malamang hindi. Kung yung bertdei ko nga kinalimutan mo e. Gantihan na lang.
I know that you had already moved on and possibly are now happy with her…again.
As weird as it may sound, I am happy knowing that.
But please, for my sake, both of you; don’t try to include me in your lives right now.
Hindi ko kaya.
Oo, madrama na kung madrama. Pero wag na lang.
Sampal naman na sa pagmumukha ko yun e.
I don’t think I want to cultivate the masochism in me.
Wag nyo nang ipagduldulan sa akin na masaya na kayo habang ako e miserable pa rin.
Please spare me even a small amount of dignity.
Allow me to wallow in my misery on my own, not with the two of you hovering in my back.
Don’t be too cruel. Sabi dib a be kind to animals?
If you want, you could classify me as that, just as long, both of you stop.
Sana Bukas Na…
Sana bukas na.
Kasi gusto ko ng umuwi.
Iba pala talaga yung feeling na nararamdaman mo knowing na bukas ng gabi, matutulog ka sa sahig na nilatagan lamang ng banig. Pero kahit ganun, hindi mo yun iindahin, kahit pa ipinagpalit mo ang lamig ng panahon sa site, ang solong kuwarto kasi wala ang karoommate mo, at ang kamang kakapalit mo lang ng bedsheet kagabi….
Oo nga, pag-uwi mo bukas, sa sahig ka matutulog, ang dating kabinet na pinaglalagyan mo ng damit e ginagamit na ng iba. Daig mo pa ang bedspacer sa sarili mong bahay…
Pero hindi ka pa rin magrereklamo.
Iba pa rin yung feeling na bukas pagbaba mo ng eroplano, may sasalubong sayong magulang at kapatid. Kahit pa makakarinig ka “O ang taba-taba mo pa rin?” o kaya “Bakit lalong dumarami ang pimples mo?”. Pero kasabay naman nun e ang init na mula sa kanilang yakap na matagal-tagal mo ding hinanap.
Ipagluluto ka pa ng Nanay mo ng paborito mong ulam. At kahit na naiinis sila kasi ikaw na lang mataba sa pamilya, hindi muna sila kikibo habang patuloy kang lumalamon ng kanin at sumasandok ng ulam. Alam nila na namiss mo ang lutong bahay at ang istayl mong pagtaas ng paa sa upuan at pagkakamay.
Kahit na sa susunod na araw e malamang, taong bahay ka. Paminsan-minsan, maglalaba, magpaplantsa at mag-aalaga ng pamangkin. Pero ok pa rin. Bihira naman tong mangyari. At kahit makulet ang pamangkin mo, e cute pa rin siya. Tsaka kung inaaway ka naman nya e, puede mo naman siyang sabunutan e. Hehehehehehe. Basta siguraduhin mo lang na naitago mo yung pocketbook, dahil kung hindi, itatapon nya yun sa beranda, at ikaw naman, para makaganti e gagasgasin ang pirated dvd ng Barney Collection nya.
Iba yung feeling na nasa piling ka ng pamilya mo at nasa sarili mong bahay ikaw nakatira.
Puede ka ngayon magpuyat ng bonggang-bongga. Hindi ka mapepressure bumangon ng alas-kuwatro ng umaga para magpainit ng tubig. Dahil mainit naman sa Manila, okei na okei kung malamig na tubig ang gagamitin mo.
Puede ka na rin na hindi bumangon ng maaga. Walang magwawala at magpapanic kung malaman nilang 10AM na e nakadikit pa ang likod mo sa sahig kasi tulog ka pa.
Makakakita ka na rin ng patag na daan, SM, trapik at makakarinig ka na rin ng Tagalog.
Makakain ka na ulet sa Jollibee, McDo, Chowking, isaw sa UP at kung nagpapakasosyal ka e titikim ka ng kape sa Starbucks.
Makakapagsimba ka na. Mahalaga yun.
Lulubayan ka na muna ng pressure. Ng stress. Puedeng puede ka manood ng cable sa TV. Hindi ka na magtyatyaga na magdownload ng mga shows na inaabangan mo.
Bihira ka munang magnenet at maglolog-in sa YM, magboblog at magchecheck ng company email nyo.
Makakapunta ka na sa derma at mairereklamo mo na ang kalupitang ginawa nila sayo kaya nangyari ang pimple nursery na yan.
Makakapagsuklay ka na rin ng buhok. Or kung may atik ka pa, baka maisipan mong magparebond.
Mapapacheck mo na rin ang mata mo.
Makakapanood ka na ng sine.
Makakagimik.
Lahat lahat yan, magagawa mo sa Manila.
Kaya sana bukas na.
Para uuwi na ako.
