Posts Tagged ‘private’

Private Thoughts… now being shared

Naiisip pa rin kita. Pero hindi na ganun kadalas compare sa dati. Kung minsan nga, kapag iniimagine ko yung mukha mo, hindi ko na masyadong maisip. Kelangan pang buksan ko ang laptop ko para makita ko yung picture nating dalawa. Natatandaan mo yun? Bisperas ng Pasko nun. Seryoso ka at hindi ka nakasmile sa kuhang yun. Samantalang ako, kulang na lang e umabot na sa tenga ang pagkakangisi ko. Mukha ka pang inaantok nun.

Malapit na yung Pasko. Sabi sa TV Patrol kagabi, 82 days na lang daw. Naiisip ko tuloy, ano kaya ang mangyayari sa akin ngayong Pasko? Malamang, maalala pa rin kita. Sabi nga ng isang kanta, “Last Christmas, I gave you my heart…”. Oo korni na ako. Dati naman na e. Hindi ko na itatanggi yun. Mababaw din ako. Tanggap ko din yun.

Natatandaan mo yung Paskong yun? Para sa akin, kahit ano pa ang nangyari sa atin ngayon, ituturing ko pa rin na isa pa rin sa pinakamemorable na Pasko ko yun. Dun ko naramdaman na I am so loved by you. (Ayan may -d yung love, para past tense). Ibang level yun. Hindi yun matatawaran, or madidiscount ng kung ano mang kagaguhan na nangyayari ngayon.

Ang aga-aga pa, mukhang gumagawa ako ng Christmas entry. Pero hindi ito tungkol sa Pasko.

Tungkol ito sa iyo.

Tungkol ito sa akin.

Sa atin.

Gusto sana kitang kamustahin. Hindi ko na kasi alam kung ano na ang nangyayari sa yo. Bagama’t nakikita ko ang ibang picture nyo sa Friendster kasi ininvite nya ako, hindi ako masyadong naniniwala sa katagang “it conveys a thousand words…”. Although dun sa huli kong nakita, mukha ka namang masaya, contented at mejo tumataba. (Hahahah, hindi ako nanlalait!).

Good for you.

Pero gusto ko sanang malaman kung natuloy ka bang magresign? Musta na yung plano mo na magtayo ng restaurant? Kelangan mo pa ba yung knive set? (Weird ka din e noh? Ang gusto mong iregalo ko sana sa bertdei mo e kutsilyo…sign ba ito??!!!)

Nagbibyahe ka pa rin ba? Natapos mo na ba ang mala-Amazing Race Philippine Tour mo? Buti ka pa. Nakakainggit. Gusto ko din sanang magtravel katulad mo, kaso kilala mo ako, hindi naman talaga ako risk-taker gaya ng press release ko. Besides, alam mo din na mas gusto ko ibigay yung konting kinikita ko sa pamilya ko. Hindi ako mabait. Hindi rin ako Santa. Alam mo din yan.

Sasabihin ko sana na galit ako sayo. Pasyensya, hindi ko masyado naabsorb yung lecture mo about anger management. Akala ko kasi kaya kong hindi magalit sayo. Hindi masyado nagsink in yung mga paalala mo sa akin na “always try to be the better person, hakuna matata at tawanan ang problema”. Pero I am a working progress, hindi man ako magbago ngayon, malay mo sa ibang panahon, makikita na yung improvement.

Kapag sa gabi at bigla mo na naman akong minulto, kung minsan gusto kitang murahin. Anak kasi naman ng teteng, alam mo naman na quality time ko na yun para sa sarili ko tapos gagambalain mo pa. Mang iistorbo ka pa. Papaalala mo pa sa akin yung mga moments natin. I have to admit na mas marami dun yung nakakatuwa, nakakakilig at nakakaaning.

Pero galit ako sayo.

Hindi dahil sa sinaktan at niloko mo ko, kung hindi dahil sa hindi ka nagtiwala sa akin.

Naging totoo ako sayo. I shed all my pretense, all the laces and trimmings of lies and half-truths.

Pero ikaw ang hindi nagtiwala.

You didn’t trust me enough, you didn’t trust my ability and capacity to understand you.

Dun ako nagagalit. Kasi akala ko nung nagpakilala ako sayo, akala ko tinanggap mo ako. Hindi pala.

Ikaw yung naging madamot. Pinagkait mo sa akin na makita ko kung sino ka nga.

Hanggang ngayon madamot ka pa rin, or mapride ka. Or aning ka rin lang. Adik kaya.

Sabi ko dati, ideal man kita. Kung tatanungin mo ako ngayon kung totoo pa rin yun, oo pa rin ang isasagot ko. Pero may bago akong natutunan. Sabi nila, kaya nga ideal e. Kung minsan, parang fantasy lang siya. Or parang suntok sa buwan. Bihirang mangyari. Kaya sabi nila, an approximation should be good enough.

Nandun ka pa rin sa pedestal na pinaglagyan ko sayo. Pero ngayon, hindi na kita aabutin.

Hindi ako magsesettle for second best. I will not do it. Pero ayoko na ng taong mga nasa pedestal, mas gusto ko yung taong nasa tabi ko na lang. Hindi out of reach katulad mo.

Gusto kong sabihin na kaya galit ako sayo kasi you spoil me for everyone else.

I missed my hugs. You said that all those hugs are mine for the taking. I so want it right now.

But I hope I could delude myself to get it from someone else. The feeling of warmth of your embrace cannot be copied. It would not be the same intensity. It would not be the same fit. Everything would all be different. But it would be suffice. Afterall, beggars cannot be choosy, right?

May gusto akong sabihin, kinopya ko to. Saka na ako gagawa ng mismo kong linya. Wag kang mag-alala, kapag naipon ko na yung lakas ng loob ko to say the things that I really want to say, ikaw ang unang unang makakaalam.

And if I feel the need to cry, it will not be for the future that we could have, not for the regrets that I have nor of the anger that i feel, but I will cry because of a love that I never was able to share with the one man I felt it for. I will cry for the love that was lost, and not for the man who left.

I will give my affections to any man who is need of it, but not my heart because I still am trying to get it back from you. I will give him the love that you never wanted, the kiss that I so longed to give you and the words that once was yours. Worthy or not worthy of it, at least he’s here, you’re not.

Pakiusap wag mo muna itanong kung may feelings pa ako sayo. Kung mahal pa kita or nakarecover na ako. Hindi ko pa yan kayang sagutin.Saka na lang.

Yun muna.