Posts Tagged ‘rant’

Office Rant 05

Tunaw

Daig ko pa ang isang ice cream na nakabilad sa ilalim ng araw.

Oo na, korny na naman ang hirit ko.

Pero feeling ko tunaw ako ngayon.

Sa isip, sa salita at sa gawa.

(Ibaba na ang kanang kamay)

Pero totoo yun.

Ilang beses na bang lumabas sa mga entry ko na napakaunmotivated ko ngayon? Hindi kaya sign na ito na kelangan ko na magmove on at magkaroon ng change of environment?

Sa ngayon, feeling ko parang…

Kelangan na yata talaga.

Kung tutuusin, wala naman akong reklamo sa mga kasama ko dito sa opisina. Masaya naman kami. Kokonti lang din naman ang mga boss na nakakakulot ang bangs sa pagiging PASS-SAW-WHY nila. Siguro isa lang yun.

Yung isang boss ko na SOUP-PLAID-DUH e keri na yun. Ganun naman talaga yun. Pero at least naman, fair naman yung boss na yun. Hindi ka naman sisinghalanng basta-basta. Valid ang reasons nya kapag naiisip nyang magbigay ng award (sermon).

Kahit yung mga kapwa ko aliping namamahay (karamihan kasi sa amin ay hindi tagarito sa lugar na pinangyarihan ng krimen), e matino naman. Lahat kami makukulet. Yung isa, kapag nabobored, bigla na lang magcacartwheel or magbabackflip. Yung isa naman, naisip na yata nya ang lahat ng dahilan para makapagfile ng leave, yung isa naman, madalas wala din sa opisina kasi lagi nyang sinasabi na may field work daw siya.

At ako? Sino ako sa opisina?

Ako ang artista dun.

Magaling ako magpanggap e. Hindi mahirap sa akin ang immerse ang sarili ko sa isang role.

….kunwari sobrang busy-busyhan, na hindi maalis ang pagkatutok sa computer (yun pala, pilit pa ring inaayos ang blog template nya)

….kung minsan lagi na lang humahangos kung saan-saan, akala mo ang daming taong hinahanap na kelangan kausapin (yun pala nagtatago lang sa pantry para magkape)

….kapag nakitang palapit ang boss sa work station, dagli-dagli akong tatayo at magmumukhang may ipapaphoto copy na report (yun pala umiiwas lang at lalabas at magyoyosi break)

Oo, baliw din ako sa opisina.

Pero in fairness at in fairview naman sa akin, wala naman silang hininging report na hindi ko nabigay. Wala silang tanong na hindi ko nasagot. At walang work problems na itinoka sa akin na hindi ko nasolve.

So siguro kaya kahit mejo nahahalata na nila ang mga kalokohan ko e, hindi na nila ako pinapagalitan, after all, sabi nga nila, at the end of the day, the outcome of your work is the one that is important…

Galing ng palusot ko noh?

So, kung maganda nga ang working environment ko, bakit nangyayari pa na unmotivated ako?

Siguro kasi feeling ko mabagal ang career growth ko dito. Parang heller, 2 years na ako dito pero wala man lang akong nakikitang paved future path. Maganda naman ang performance review sa akin, pero wala pa ring nangyayari.

Tsaka nakakapagod ang chism dito. Kung sa tingin nyo e ang tamad ko na, hala, sana makita nyo din yung ibang tao dito sa opisina na binabayaran lamang upang makita silang nagwaYM, naglalaro ng Zuma, at nakikipagkuwentuhan. Sana nakikita nyo din yung ibang tao dito na nagdodownload lang ng mga movies, nanonood ng porno at nakikipagbolahan sa Skype.

Hindi naman sa nagmamalinis ako, pero namaaannn… compare sa kanila…

Ang dami pa ditong back stabber. Kaya nga siguro ang panget din ng posture ko e, hindi ko na masandal ang likod ko sa office chair ko. Paano, hanggang ngayon hindi ko pa nabubunot yung mga kutsilyong iniwan nila sa likod ko.

Naglipana din dito ang taong pinaglihi sa alimango. Anak ng teteng. Busy na nga sila sa kakachismis, kakaYM at kakaDL ng videos pero may time pa silang maghabi ng storya. Hindi lang sila mukhang alimango, pumasok pa yata sila sa Dressmaking course.

Yun na.

Tunaw ako ngayon.

Puede kayang katulad ng natunaw na ice cream e ilagay ko ang ulo ko sa ref para manigas ulet?

Catatonic @ Work

Spend half of my day attending a boring management meeting.

And I have to endure that.

You see, I am not good in meetings. In fact, if I could escape all those meetings altogether, I would be a happy employee already. Besides, I am just a wallflower during that times. A waste of oxygen in the room.

And I tend to sleep during meetings.

Yep, you heard it right.

I remember this incident when I have to act as a notetaker during one of those so-called “serious talks” against my will. And really, I was so bored! It is not that I don’t understand what they were saying, but mostly because some of the people here have the voices that would put Kuya Cesar (rip) into shame. They all have this monotone sounds and they kept on repeating every single thing over and over again.

That’s why I tend to be so sleepy.

And I did slept in one of those meeting. My boss had to pinched my arm when he saw my head bowing down. After that, I received a very good scolding.

Urghh..

There was also another time that I was talking to another boss. He was giving me some instruction regarding this particular task he had assigned me to, and the next thing I knew, I was dozing off in front of him! (Honestly, I find this so funny). He has to strike a pencil on my forehead just so he could wake me up.

Yeah, catatonic at work at its finest.

Fon Interbyu

S(u)acking

For someone who was been a self-confessed “mataray” and downright bitchy, I have this humiliating habit.

I sucked during interviews.

And no, sucking in that way is never, and I mean, NEVER a good way.

I would like to make some excuse but I guess it would only make me pathetic even more. The so called reputation I have had been out in the drain after the people learned that incident.

And now they think I am just a poser.

Urghh!

This is killing me.

Office Rant 04

Dear Trabaho,

Ayan, tinawag pa kitang dear ha. Just to emphasize kung gaano ka kaimportante sa akin ngayon. As in. Lumelevel ka na naman. Masyado kang demanding. Kinakain mo na halos lahat ng oras ng isang araw ko. Kelangan na lang laging binibigyan ng atensyon. Ano ka ba? Puede ba, paminsan-minsan ako naman ang intindihin mo? Tao lang ako. Again, mukha nga akong Dyosa pero hindi naman ako nabiyayaan ng bonggang powers para laging masatisfy ko ang lahat ng whims and orders mo.

Sana naman kapag nasa bahay na ako, tantanan mo na ako. Sana wag ka na lang eeksena sa mga usapan namin. Mahigit 10 oras na nga na kasama kita pagdating sa bahay gusto mo iisipin ka pa rin. Naaammaaan.. bad yun.

Kahit sa inuman, gusto mo bida ka. Sana naman hindi na lang ikaw ang pulutan palagi. Tignan mo nga, inaatake na naman ako ng hyperacidity ko dahil sayo. Minsan na nga lang maghapi-hapi, nakabantay ka pa rin.

Tapos kahit sa pagtulog, gusto mo kasama ka. Ang lamig na nga ng panahon dito sa site, gusto mo lalo pa akong magkasakit dahil sayo. Ano ka ba? Konting sensitivity naman.

Alam ko, vengeful ka, kaya nga iniiwasan ko na galitin ka e. Nanjan yung, sobrang pinastress out mo ko, pinangarag, at tinakot kung baka bukas e magkahiwalay na tayo. Nanjan din yung sinira mo ang mukha ko sa kadamihan ng pimple breakouts at eyebags na dulot mo. Puyat na nga, tapos nerbyosa pa, paano gusto mo kung kasama ka dapat may coffee sessions. Pero sana, hinay-hinay naman.

Yang mga tantrums mo katulad ng deadlines, puede ba optional na lang sila? Hindi naman ako gas para mapressure pero dahil sayo, nararamdaman ko yun.

Pero mahal kita. Alam mo yan, mejo nagrarant lang ako ngayon kasi nakakawindang na. May mga kasama pa tayo sa opisina na parang kontrabida sa lovestory natin. Ayan tuloy, against all odds tayo. Sana naman, magtulungan tayo. Sabi nga ni Tim Gunn, “Make It Work!”.

Hindi naman ako mawawala e. Pero bigyan mo muna ako ng chance na huminga ha.

Yun lang.

Nephrite

Office Rant 01

Kapag ikaw ang boss tapos may subordinate ka, tapos inutusan mo siya at hindi ka nya sinunod, ang tawag dun insubordination di ba?

Kapag kaibigan mo ang co-worker mo at inutusan mo siya at hindi ka nya sinunod, anong tawag dun?

Kapag ikaw ang boss ng kaibigan mo na co-worker mo at inutusan mo siya at sinabi nyang may mas priority pa siyang unahin kesa sa inuutos mo, ano tawag dun?

Kapag mamayang hapon na yung deadline ng report mo at kailangan mo ang data ng kaibigan mong subordinate mo at sinabi nyang maghintay ka muna kasi may tinatapos siyang iba, ano ang tawag dun?

Ano naman ang tawag dun sa supervisor na nakatunganga ngayon at mas minabuti pang magpost na lang sa bago nyang blog instead na magpanic at magwala dahil hindi siya sinusunod ng mga tao nya at kiber na lang kung sasabunin siya ng mga Diyos sa kumpanya nya mamaya?