Posts Tagged ‘ranting’
Gangue Thoughts 07
Short conversation with a guy whose name sounded like a car brand (and noh, it is not Toyota…)
Scenario: Last night I attended an informal gathering wherein one of the expats here in our workplace is about to leave the company. They planned a sort of farewell party to him, in which all are invited. While I was in the line of getting some food, this guy had approached me.
Carboy: Ate, hindi ka ba nahihiya, party itong pinuntahan mo (while giving me a look from head to toe)
(I looked at what I am wearing. Casual shorts, Ipanema slippers, brown shirt, hair combed in place)
Nephrite: So? Teka anong masama sa suot ko? At least ako, umuwi muna, naligo at bumalik dito. E ikaw?
(Pinagpatuloy ko na lang ang pagkuha ng PUTAnesca at LECH(E)on
Bitchy moments can sometimes be a good appetizer don’t you think?!
——
Latest Updates:
Confirm na.
Nanenok/nawala talaga yung cellphone ko.
Hay… kagagahan taglay talaga Nephrite.
Paano na yung mga scandals mo dun? Dami mo pa namang….
May mga SOT pa dun.
At mga sikretong kapag nabunyag e makakasira ng reputasyon mo (kung meron ka pa nga ba nun)
Hay….
Gudlak sa yo ineng…
————–
Nawawala….
At sana bumalik naman siya…
Grabe, ngayon ko lang narealize kung gaano siya kahalaga sa akin.
Feeling ko, a part of me had also been gone.
Ang hirap pala.
Nakakalungkot.
Nakakafrustrate.
Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala na wala na siya sa buhay ko.
Gusto kong magmakaawa.
Hindi ko yata kayang hindi siya makasama.
Ang hirap isipin na ang mga susunod na mga araw e hindi ko na siya makikita. Hindi ko na siya mkakapiling.
Iba yung nararamdaman ko ngayon.
Yung sobrang pangungulila.
Napamahal na siya sa akin. Matagal na kaming magkasama. Katabi ko siya sa pagtulog. Siya din ang gumigising sa akin sa umaga. Kausap ko siya sa panahon na masaya ako, at kadamay ko din siya sa mga panahong nakakatanggap ako ng malulungkot na balitang bumabago sa buhay ko.
Sana hindi ka nawala sa buhay ko.
Bumalik ka na.
Dito lang naman ako.
Naghihintay.
…May magsoli na sana ng cellphone ko!!!!!
Quickie 03
Nakakatawa ngayon dito sa opisina, hindi ko man lamang namalayan na sports coordinator ako. Pucha, ako? Sports coordinator???!! My name and sports shouldn’t be spotted in the same sentence. Pucha kelan pa ako nahilig sa sports???? Kung buti sana merong Badmintoma (doubles competition) or Bedminton (singles). O kaya table swimming (mahjong yata to).
Sobrang hindi ko naintindihan kung papano nangyari ang ganitong kaganapan. Or anong pumasok sa kokote ng mga kasama ko para iassign nila ako dun. E ni organizational skills sa ganyang kachurvahan e wala akong kainteres-interes. Hindi naman ako makareklamo kasi nasubmit na yung pangalan ko. Huhuhuhuhu
2 Beg
Malapit ng mag isang linggo since nawalan ng rasyon ng mineral water sa bahay.
At nakakaimbyerna na siya.
Ewan ko ba kung anong nangyayari dito sa GSD (Gumugulong sa Damuhan) (General Services Department) ng kumpanyang pinapasukan ko. At pati ang basic need of drinking water e dinideprive na sa aming mga alipin nila.
Ako ay isang taong simple lang. Kokonti lang ang kaartehan sa katawan ko. At kahit pilitin kong maging coniotic e, loss ako jan. Hindi ko keri. Pero let just say na hindi naman ako gagawa ng paraan na magiging dahilan ng kahihiyan ko (well….)
Ano na ba ulet topic dito?
Ah, ah, tubig.
Mineral water to be precise.
Which at this point is lacking into our lives.
Nak ng teteng.
Two weeks ago, nagreklamo din ako kasi nawalan ng tubig dito. Buti na lang mas masipag akong maligo kay Huwantso, kaya kahit nabrokeback ako (taken literally) e nag-igib pa rin ako ng tubig. Kahit pa ilang araw kong ininda yung sakit sa likod ko.
Feeling ko tuloy, yung pagiging Dyosa ko, naging twisted, naging Hunchback of Minahan tuloy ako.
Leche.
Tapos ngayon, mineral water naman ang hindi nila pinoprovide.
At anong gusto nila? Tumirik ang mata ko sa uhaw? Ang magwarla ako kasi kulang na ako sa caffeine dosage ko at hindi ako makapagtimpla ng kape sa gabi? Ang magkulang ng preservatives na dumadaloy sa dugo ko kasi hindi ako nakakain ng lucky me???
Naammmaaaannnnnnnnnn……….
Ilang araw na rin naman akong nagreport at umaasang masuso masusolusyonan ang problema ko.
At lagi nila akong pinagpapabukas.
“Ma’am, bukas po, darating na yung tubig. Tumawag na ako dun sa supplier”
Bukas ng bukas. Pucha, kelangan ba kumanta pa ako ng “The sun will come out tomorrow???!!!”
Hindi ako sanay uminom ng tap water. Natatakot kasi ako dito sa tubig dito sa amin at hindi ito NAWASA juice, ibang lupon ng manunubig ang gumagawa dito.
(At alam ko magtatampo si Dadi kung malaman nya na hindi ako avid customer ng NAWASA juice)
Magbibigay pa ako ng hanggang Linggo, kung wala pa rin, pucha kelangan na ng drastic measure dito.
Matitikman nila ang galit ni Nephrite!
[insert devil laugh here]
DISCLAIMER: Sa mga nagtatanong, kung ano ang iniinom ko ngayon, nagtyatyaga po akong magpakulo ng tubig ng mahigit isang oras para lamang mapatay ang mga mikrobyo
Couch Potato
I am so eager to watch the latest episodes of House MD, CSI LV, and Grey’s Anatomy. Unfortunately, my reliable site where I am watching those shows seems not so reliable right now. They keep on deleting these links. Urgh!! I am getting frustrated. I have to exert an effort just so I could find a decent link (without spam, profanities and pop-ups) but to no avail, nothing seems to be working. Hayyyyy….
Good thing though, that I could still watched the latest eps of Project Runway, America’s Next Top Model, Gossip Girl, Chuck, CSI NY (yeah, yeah, I am so addicted to TV!).
I hope things would be okay right now. The shows helps me to be able escape from the usual agony and stress of my life.
Hay… (So frustrated)
Nyelpon – Si-pi
Naiwan ko ang cellphone ko kagabi dito sa opisina.
Buti na lang, low level of katangahan lang ang umiral sa akin. Naiwan ko ang cellphone ko sa drawer ng desk ko. At least di ba, secured pa rin kahit papano.
Ewan ko ba bakit nakalimutan ko ang cellphone ko.
E kung tutuusin, parang miyembro na ng katawan ko ang nyelpon ko. Laging nakadikit yan sa akin. Kung puede nga lang talaga na iinstall yan sa kamay ko, malang matagal ko ng ginawa.
Hindi naman ako text addict, or even mahilig tumawag. Pero mahalaga sa akin ang nyelpon ko.
Dependent ako sa cp ko dito. Wala kasi akong relo. Hindi kasi ako sanay magsuot ng relo. At ginagamit ko ding alarm clock ang “si-pi” ko. Usually, mga bandang alas-kwatro ng madaling-araw, bumabangon ako para magpainit ng tubig. Isasawsaw ko lang yung heater sa balde ng tubig at aakyat na ako ulet sa kwarto para bumalik sa kama ko para makagawa pa ng tulog. Pagdating ng 530AM, gigising na ako para maligo and voila, mainit na yung tubig. Ready na.
Kanina, nagising ako, bumangon, dahil wala ang si-pi ko, hindi ko alam kung anong oras na. Pero ginawa ko pa rin ang aking routinary morning activity, naglagay ng heater sa isang baldeng tubig.
Ginising ako ng karoommate ko, sabi nya, “Bumangon ka na jan. Ala-sais na! Yung tubig mo, kumukulo na. Parang nadeformed pa nga yata yung plastic pail natin. Ewan ko ba sayo at bakit 12MN pa lang nagpainit ka na ng tubig…”
‘Nieta.
EDIT: Gusto ko pong ipaalam na nakita ko naman ang cellphone ko ngayong umaga, nandito pa rin sa drawer. Buti na lang, wala naman nagtangkang inenok ito.
Kaya mo ba akong ampunin?
Yan daw ang narinig ng pansamantagal kong karoommate na sinabi ko sa kausap ko sa cellphone kagabi.
Eto ang kuwento nyan…
—000—
YM Chat 09/20/08 around 3pm
Emo boy with dimples: Anong plano mo tonight?
Ako: Ah eh, mag-inom? (depress-depressan mode ako kahapon)
Emo boy with dimples: Great! Sige, inom tayo. San Mig Light?
Ako: Okay lang. (kahit na Tanduay Girl talaga ako)
Emo boy with dimples: Sige punta tayong baryo then dun tayo bili. Okay na 7bottles each?
Ako: Okay lang. (Sagot ko na naman ang inuman na ito)
Emo boy with dimples: Sige sige. Buzz mo na lang ako kung uuwi na tayo ha? (Insert winking smiley here)
—000—
So ayun nga ang nangyari kagabi. Minus the 7bottles each of San Mig Light. Walang beer dun sa tindahan na napuntahan namin. Last resort ang isang long neck at junior na Tanduay (Yes!). Sinamahan na lang chippy, nagaraya at happy peanuts. May free pang manginginom.
Pag-uwi namin sa bahay, niready na ni Emo boy with dimples and si Free boy (yung nayaya naming maging third party sa inuman kesa one-on-one lang kami) ang mga alak. Kumuha na ng mga baso at nilagay na sa platito ang chichiria.
Habang ginagawa na ang nomohan, kasama ang karoommate ko na hindi puedeng uminom kasi malapit na siyang maging hot momma, nanonood din kami ng MMK kasi bida sa episode na yun si John lloyd Cruz. (Oo, baliw na baliw ako kay JLC, may angal??!)
Tagay. Inom. Tagay inom. Bago pa matapos yung palabas, nauna na kami.
Ako? Lashing na. Umiikot na ang paningin ko at gusto ko na sanang matulog.
Bago ako mahiga sa kama, narinig ko na lang ang cellphone ko na tumutunog. Sinagot ko siya. Sheet, si CG! (Cute na Gentleman pa) (At not-so-secret-crush ko). Pinilit ng utak ko na ayusin ang thought construction ko. Pucha, paano ko siya kakausapin ng matino kung lusaw ang utak ko? ‘Nieta.
In fairness naman sa mga braincells ko, nagawa naman nya kahit papano. Kahit sa dila ko, in fairness hindi ako nagslur at halatang lasing. So iniisip ko na, yey! Hindi naman pala ako magmumukhang tanga sa kanya.
Tapos bigla kong natanong,
Ako: Ui, CG, bakit ka nga pala napatawag?
CG: Tinext mo kasi ako na saying na drama-drama mode ka ngayon at gusto mo kong makausap
Ako: …. (Punyemes ng kalabaw!!!!!!!!! Ginawa ko yun? Ang loser!!!! - utak ko)
CG: Ok ka lang ba?
(Sa isip ko: teka, teka idedeny ko ba na tinext ko siya? Syete naman kasi, bakit ko ba nagawa yun?)
Ako: Ok lang naman. (Ayan, short and sounding normal)
CG: Mabuti naman. Wag ka na masyado malungkot. Basta kung may problema, dito lang ako.
Ako: (Awwwwww! [insert blushing smiley here]) Thanks ha. You are such a good friend. (Kung boyfriend ko kaya?)
…..
Akala ko natapos ang aming pag-uusap pagkatapos nun. Akala ko, naisalba ko yung reputasyon ko sa kanya. Na kahit papano, puede pa akong mangarap na puedeng maging kami.
Pucha, dami talagang puedeng mamatay sa malaking akala.
Katulad na lang ng pag-asa ko.
—000—
Ngayong umaga…
Roommate: Musta ka na? Wala bang hang over?
Ako: Maayos naman. Kaya ko naman bumangon. Kahit mejo masakit ang ulo.
Roommate: Mabuti naman. Siyanga pala narinig ko yung pag-uusap nyo ni CG kagabi.
Ako: Ah eh talaga?
Roommate: Oo, may tanong ako…
Ako: Ano yun?
Roommate: Bakit mo sinabi sa kanya na kung kaya ka nyang ampunin?
Ako: (at shocked, jaw dropping, bangag-dying of shame) …. 6AM na pala, maligo na ako, may pasok pa ako.
–000—
8:40AM – Eto ako, nasa opisina na, at binoblog ang pangyayari. In fairness naman, tinext ko si CG at nagsori sa mga kahihiyang ginawa ko sa kanya. Hanggang ngayon, hindi pa siya nagrereply.
Current mood: Sitting, waiting, wishing, dreading
LSS: Sitting, waiting, wishing – Jack Johnson
Office Rant 02
Late ako nagising kaninang umaga. Yung usual kong bangon na 530am e naging 6am na. Dumikit yata ang katawan ko sa kama. Hindi ko nga narinig yung sigaw nung transient sa bahay na maligo na daw ako. Kung hindi pa nya inuga yung papag e, malamang hindi ako magpapanic at isiping end of the world na.
Isang bagong umaga na naman pala.
Dali-dali akong naligo. 7am ang pasok ko dito sa opisina. Kung magbabagal-bagal pa ako at mag-iinarte sa paliligo, malamang late na naman ako at may award na naman na naghihintay sa akin mula sa mga Dyos.
Ligo. Balik ng kwarto. Nagbihis ng damit.
Black Baguio Tshirt (pantago ng lovehandle) at faded jeans (may tastas pa sa dulo)
Tapos lumabas na ako ng bahay.
Nalimutan kong magsuklay! Silipin ang itsura sa salamin at kahit man lang maglagay ng konting pabango.
Tsk tsk tsk. Hayaan mo na. Wala naman akong pinopormahan sa office e. Hindi ko ugaling magpacute kasi inane na sa akin ang pagiging cute. (Wala namang violent reaction, pre)
Yung transient sa bahay na kaopisina ko din, aba nagmaganda. Kung itatabi ako sa kanya mukha akong matabang sidekick compare sa blooming na preggy temporary roommate ko.
Pagdating sa opisina, hindi pa umiinit ang wetpaks ko e, bigla namang may dumating na lalaki at sinabing may picture taking na magaganap ngayon. Department picture daw. Ilalagay daw dun sa isang magazine na binubuklat ng mga mahigit 50kumpanya tuwing Nobyembre.
Nalechehan na.
Sabi ko ayusin ko man lang ang itsura ko. (kahit man lang madaanan man lang ng suklay ang buhok ko)
Tinignan ako nung photographer mula ulo hanggang paa. Tapos nagsabi..
“Okay na yan. Nagmamadali ako e”
(Pero, pero, pero.. Yan ang nasa utak ko. Nagpumilit akong umangal pero hindi nya ako pinakinggan. Bigla na lang nya ako pinuwesto sa isang tabi (may white background) at parang kinuhanan lang ako ng mug shot)
Nieta.
Ayokong makita yung picture na yun. Pinapanalangin ko na hindi yun maprint at mapadala para dun sa magazine. Taena, yung itsurang yun, itsura yun ng taong gustong malibak ng lahat.
Macorrupt sana ang memory card nung digicam na yun.
Wish ko lang.
EDIT: Amfufu! Nakita ko na yung pic! At amfufu talaga. Kulang ang salitang panget para madescribe yung itsura ko dun.
YM Stat: I don’t understand how a woman can leave the house without fixing herself up a little – if only out of politeness. And then, you never know, maybe that’s the day she has a date with destiny. And it’s best to be as pretty as possible for destiny – Coco Chanel (pucha dapat lesson learned ko din ito e.)
LSS: Goodbye My Lover – James Blunt
Tumambay ako sa: barberya