Posts Tagged ‘raving’

On Hiatus…

For the next 18 days, I would like to announce that I am taking a break.

Yippee!!!

Palakpakan naman jan!

On that note, I really regret to inform you, my dear readers (kung may nagbabasa nga nito), na I may not be able to post blog entries as often as I want.

Well, siempre naman, I would deal with my life. (MY REAL LIFE)

And pagpahingan nyo naman ang Dyosa.

Try nya munang maging si Sleeping Beauty.

Malay nyo, maisipan ko din magpost ng kung anu-ano di ba? Pero as of now, paalam muna ako.

Hayaan nyo na ienjoy ko ang 18araw na bakasyon.

Bonggahan di ba?

So ganun na lang muna.

Gudlak, gudlak na lang.

Dadaan din ako dito kung hindi ako maging masyadong busy.

Yun lang.

Quickie 05

Yippeee!!!

Napirmahan na ang leave form ko.

Gusto kong gumulong at magtambling-tambling.

18days!!!!!!

Buhay baboy, pasaway, at bum.

This is the life.

Sign out muna sa mga stress sa work, chismis at okrayan sa ofis at ano pang kakupalan. Hahahahaha

Excited na ako

Daig pa ang piyesta…

Wala ang mga boss ngayon!

Yippeee!!!

Magdiwang tayo!

Buti na lang talaga, mas ginusto ko na magpaiwan dito sa opisina kesa umatend ng symposium na yan. Puro mga (matatanda) malalaking tao lang naman ang aatend dun. Maiintimidate (mabobored) lang ako.

Wala din yung IT namin.

Yiippeee ulet!

Libre magdownload, maglivestreaming at maggaguhan.

Wow, this is the life!

Kelangan i-savor at bihirang mangyari ang araw na ito. Daig pa ang piyesta or holiday.

3R

Three of my close friends, all of their names started with R had visited me last night!

Here.

In this remote place.

And it was really very unexpected.

And I am quite happy actually.

Even if it means I have to curb the green eye monster in me because I was too envious with Rockwell because she really had slimmed down!

…Had to stop rolling my eyes when Megaphone had continued to scold me because I am too much “laboy” (outgoing) for her own liking.

…And to drop the “boyish” attitude for a notch, because Princess is there. She is so ladylike that you can’t help feel a little guilty if you act so bourgeois.

But I am happy that I saw my friends.

Surprises like this could really make me feel giddy and would allow my bitchy self to rest for a while.

Yun lang.

43

Kahapon, inutusan ko ang napakagaling at napakabait kong Technical Assistant na itanong sa HR kung ilan na ang accumulative leave days ko.

(Ako ay nasa isang 6-2 work scheme kung saan, kelangan kong magpagod ng anim na linggo (straight yan ha!) upang magkaroon ng 2 linggong bakasyon)

Dahil pinapayagan naman kami dito sa opisina na magYM, dito na lang kami nagusap.

TA: As of today, 43 days pa
Ako: I-confirm ko lang, 43 days pa ang puede kong i-avail na furlough?
TA: Yep
Ako: Ah ok. Thanks

Pucha, 43 days????

Kahit magfile ako ng resignation ngayon, puede na akong umalis kahit may one month notice na kelangan. E gagamitin ko na lang yung 43 days na yun!

Ngayon ko lang narealize na umabot na pala ako sa 18weeks dito. Hindi man lang ako umuuwi sa Manila. Mahigit apat na buwan din yun.

Pucha nakatagal ako ng 4 na buwan???

Ano ba pinagkaabalahan ko?

Hmmmm…

Or ano ang dahilan ko kung bakit hindi ako umuuwi?

Paano ko uubusin yung 43 days na yun?

Naexcite ako bigla.

Magpapaalam ako kay Don Robert de Niro, sasabihin ko na magleleave ako sa first week ng November. Ikakatwiran ko na kelangan ko makaattend sa bertdei ng taong nagsilang sa akin sa mundong ito. Sasamahan ko ng award-winning perfomance para pumayag. Idadahilan ko na I need sometime to relax. Pucha nakakastress din naman kasi dito.

Hindi ko naman bibiglain yung 43 days, mga 20 days lang yung ififile ko. Puede na yun. Makakapagliwaliw na ako sa Manila. Magpapakabum. Magpapakamakulet. Hay, naiisip ko pa lang, ibang kasiyahan na ang nararamdaman ko.

Hay, naririnig ko na yung kantang “Manila, manila, I’m coming back to Manila”

Heheheheheh

Y

Nabasa ko lang tong quote na to

There is no “Y” in HAPPINESS – Pursuit of Happyness

Actually, ni hindi ko pa napanood tong movie na to. (Kaya hindi ko sure kung totoo ngang galing sa movie na to itong quote na nabasa ko.) Many claimed that it was good. It will make you think and perhaps make a sort of dent in your cynical armor. (sundot ng konsensya). Since hindi ko naman nga nasilayan ang pelikulang ito, iwas muna ako sa pagcocomment. Wala din naman akong maisip e.

Pero mejo kinabog ako nung quote. Trulili nga naman, there is no Y in Happiness. And I don’t mean the letter. I even received a quote from CG (cute na, gentleman pa) saying na we shouldn’t asked God for a reason why we are feeling so miserable right now, if then we don’t asked Him either whenever we are feeling happy and blessed.

Bakit nga ba, mahalaga sa atin ang “Y”.

May tendency talaga tayo kelangan mahanapan natin ang lahat ng bagay ng rason. Siguro kasi kapag hindi natin nasasagot ang ganitong tanong, feeling natin kulang. Kung minsan nga naman ang hirap tanggapin ang mga bagay-bagay na ganun na lang.

Dun nasusubok yung tinatawag na tiwala.

Kung minsan, kapag pikit-mata nating tinatanggap ang mga bagay na nangyayari sa atin, many would have said na blind trust yun. (E nakapikit nga di ba? May makikita ka ba nun?!) Kokonti lang ang mga taong ganito. Kasi mahirap gawin ito. Isusuko mo lahat e. Pero sabi din ng iba, ito naman yung level ng trust na hindi basta basta matatawaran.

Balik tayo dun sa quote, there is no “Y” in happiness.

I am starting to believe that. I want to embrace that concept. I should have thrown that nagging doubt and caution in the wind. I should just feel. And learn to trust.

Sidenote:

Ilang araw na to. Marami ang nakakapansin kong inlove ba daw ako. (Hindi dahil sa blooming ako ha, contrary, nalalait pa nga ako dahil mukha daw akong stress out. Urgh!) But because they seem so bewildered by the fact that I can offer a kind word or to, and my patience seems so limitless. (I want to say to them that the Prozac is already kicking in.) Kaya siguro naisip nila na inlove ako kasi there is no way I would be this so good.

But no I am not in love.

With a person right now.

What I am is still and always will a believer in love. Emo may it sounds but it is the truth.

“When you really want love, you will find it waiting for you.”

Hapinesa

Hindi ako mag-eemo ngayon.

Isa akong Hapinesa.

Hindi ko na iienumerate kasi baka umabot hanggang sa kalye namin yung listahan. Basta ang mahalaga, bukod sa masaya ako ngayon, thankful din ako.

1. Kay Papa G na hindi ako pinabayaan. At buti na lang talaga na despite of whatever had happened to me, e nanatili akong naniniwala sayo, hay, totoo talagang lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may reason. Salamat kasi nakuha ko po yung gusto mong iparating.

2. Sa family rubbing alcohol ko na hindi nagwarla nung nalaman ang nangyari at naging support group ko pa sila. Group hug naman jan!!!!

3. Sa mga friends, lovers, boylets at pseudo-something ko, na nagbigay ng moral boost, nagpep talk, nagpaka cheerleader (with matching acrobatic stunts), naging guidance counselor, concerned citizens at sa mga iba na katulad ng frenemies na lalo lang dinagdagan ang sakit ng bangs ko, pero hindi naman kumulot ang hairlalu ko, e paano ba yan, at the end of the day, winona ryder aketch!

4. Sa sarili ko na rin, kasi hindi ako nag give up, hindi ako naging bitter, at hindi ako nagpaka nega. Kaya ayun, shining, shimmering, splendid ang kuwento ng life ko ngayon.

Hay, Hapinesa talaga.

G-Ful

WARNING: Mushy post to, pasintabi sa mga kumakain…

Simpleng text ng aking ama ng malaman nya na nawala ang ATM card ko at may malaking possiblity na may nakawithdraw na ng pera ko.

Tatay ko: Katulad ng nasabi ko na kagabi..Huwag mo ng isipin yong perang nawala..Baka mas may nangangailangan noon ng higit pa,ingat ka lang jan..Magdasal ka palagi.

Sweet ng tatay ko noh? Very understanding pa.

May nabasa akong quote, sabi,

“When you are grateful, fear disappears and abundance appears. – Anthony Robbins”

Pareng Anthony, isang high five naman jan!

Totoo naman kasi ito, mas madalas kesa hindi, ang hirap makuntento ng tao. Daming hinahanap. Tapos kung minsan we take things for granted. Kasi lagi nating iniisip na nanjan lang sila, hindi mawawala. Yung mga bagay na akala natin e simple lang, hindi gaanong kahalaga sa buhay natin, malaki pala yung magiging impact kapag yun na yung nawala.

Last week, mejo dami rin kabog moments. Gusto ko sanang bilangin kung ilan dun yung naging lafftrip, yung kawindang at yung akala mo e, yung mga trials ni tadhana e lumalaban ang levelling. Mga ganun.

I am not claiming to be a saint and I am not really hoping to be one, pero most of the time I try to remain steadfast (naks sa word!) in overcoming those challenges that life throws on me.

Pero siempre, tao lang ako, (mukha lang Dyosa) kaya nasasaktan, napapagod, at kung minsan nawawalan ng confidence sa sarili.

Nagdududa sa kakayahan na malagpasan ang lahat ng problema.

Mga ganung factorial.

Pero isa sa mga natutunan ko sa mga past experiences (oo, plural) ko e dapat maging grateful. To always, always see things in a positive light. Hindi ko talaga ugaling maging nega at maging emo. (although nangyayari din naman sa akin to) Pero kapag may mga pangyayari na hindi masyadong masaya yung end result, dinadaan ko na lang sa bonggang presentation at packaging.

Kumbaga, isipin mo na lang na hindi ka bibigyan ni Papa God nang ganun kabigat na challenge kung alam Nyang hindi mo yun kaya. O di ba, formidable ang dating mo. Nasa top list ka ni PG sa mga strongest individual graze on earth.

Sabi nila, there is no such thing as problems. Problems are oppurtunities disguising itself as challenge. So nasa tamang outlook lang yan.

So bakit ako grateful?

Kasi totoo yung kasabihan na kung may mawala man sayo ngayon, may kapalit yun na mas nakakahigit pa sa nawala sayo.

And with that, kung ano man ang nawala sayo ngayon, dapat hindi mo na hinahabol. Hindi mo na pinipilit ibalik.

Hayaan mo na.

Hindi naman siguro talaga para sa yo yun.

And kapag dumating na yung para sayo, maiisip mo na rin kung bakit yung dating sayo e wala na, kasi yung ngayon e mas bongga, mas okey at mas fit para sayo.

EDIT: Gusto lamang i-share ng may-akda ang information na may nakuha siyang pera ngayon. Hindi naman nya pala kelangan maging Purita Mirasol at Luz Valdez.

KT ng ANP

Bertdei ni KT ngayon. Ang tanong mo, sino siya?

Si KT ay isang kaibigan. Kamember ko siya sa isang org. Nameet ko siya ng minsang naisipan nung isang matandang babae dun sa building sa tapat ng Manila City Hall na utusan akong maginterbyu ng isang nilalang tungkol daw sa pinili kong kurso na pagiging gold digger. In fairness, sa lahat ng taong nilapitan ko, siya lang yung hindi natakot. Siya lang yung hindi nag-inarte. At hindi nagpakahigh almighty.

Sinagot nya yung isang one page questionnaire ko na walang kwenta.

Tapos hindi ko na ulet siya nakita. Pero yung matandang babae, nakita ko pa rin. Patambay-tambay dun sa building sa tabi ng McDonald sa Intramuros.

Nakabalita na lang ako kay KT na hindi na pala siya nagpupunta dun sa malapit sa amin. (Ui, hindi dahil sa natakot siya sa akin noh!) Graduate na kasi siya.

Enewei, dahil sumali ako dun sa isang org, yung ANP (Alpha No Papa), nalaman ko na alumni pala namin siya. At sa isang gathering, nagkita kami ulet.

So bakit ko naisipan na iblog ang commemoration ng kapanganakan nya?

Wala lang. Trip trip lang.

Naging close din naman kasi kami ni KT. Pareho naming guilty pleasure ang pakikinig sa mga kanta ni Mandy Moore. Kapalitan ko ng quotes yan nung araw. Tapos naging movie buddy ko din yan.

Tapos bigla na lang naputol yung communication. Siguro naimbyerna siya kasi tamad na akong magreply sa mga text nya, tinigilan ko na ang pakikinig kay Mandy Moore at umatend sa gathering ng org namin.

Pero tol, in fairness kapag dumadating ang bertdei mo, lagi ko naman naaalala. Hindi ko nga lang alam kung paano kita igigreet.

So dito na lang, Happy Bertdei KT!