Alam mo ba kung ano ang dahilan kung bakit ako gumawa ng bagong blog? Gayong meron naman na akong ibang site na pakalat-kalat lang sa internet world. (huh?!)
Simple lang.
Dito ko padadaanin ang ranting moments ko.
Kaya nga darker side ni Jadeite e.
Kasi dito, lalabas yung pagiging maldita ko (na pilit kong tinatago kasi may pinoprotektahang punyetang image).
Bitchesera.
Laitera.
Echosera na rin.
So wag na kayong mangarap na this blog would look nice. Or makakabasa kayo ng matino-tinong posts. DIto ako magpapakaepal e. Kung gusto nyo yung emo-emohan, santa-santita, puntahan mo yung kabilang blog ko.
Yun lang.